Ang Imhr.ca ay ang pinakamahusay na lugar upang makakuha ng mabilis at tumpak na mga sagot sa lahat ng iyong mga tanong. Sumali sa aming Q&A platform at makakuha ng eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga tanong mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan. Kumuha ng detalyado at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa dedikadong komunidad ng mga eksperto sa aming Q&A platform.
Sagot :
Kohesiyong Gramatikal:
Sagot:
A. anaphora at katapora
Paliwanag:
Ang kohesiyong gramatikal ay tumutukoy sa mga salitang tulad ng panghalip na nagkakawing sa mga parirala, salita, at sugnay. Sa pamamagitan ng paggamit ng kohesiyong gramatikal, naiiwasan ang pag uulit ng mga salita sa isang tekstong binabasa. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga panghalip naiiwasan ang paulit ulit na pagbanggit ng pangalan ng karakter o tao sa kwento.
Kahulugan ng kohesiyong gramatikal: https://brainly.ph/question/479012
Uri ng Kohesyong Gramatikal Ayon sa Gamit sa Pangungusap:
- pagpapatungkol (reference)
- pagpapalit (substitution)
- pag – uugnay (association)
- paglalahat (generalization)
Ang kohesiyong gramatikal ay ginagamit na patungkol sa pangungusap kapag ito ay ginagamit na pantukoy sa pangngalan, pandiwa, o sugnay.
Uri ng Kohesiyong Gramatikal na Patungkol:
- anapora
- katapora
Ang anapora ay tumutukoy sa mga panghalip na ginagamit sa hulihan bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa unahan.
Halimbawa:
- Kapag nagkita kayo ni Elena, pakisabi na kinukumusta ko siya. Tawagan niya ako kapag may pagkakataon.
- Binigyan ng mataas na grado si John sa Matematika, Sang – ayon sa kanyang guro mahusay ang kanyang performance sa Matematika.
Ang katapora ay tumutukoy sa mga panghalip na ginagamit sa unahan bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa hulihan.
Halimbawa:
- Siya’y naging isang mabuting halimbawa sa ating lahat. Tunay na si Dr. Jose Rizal ay katangi – tangi.
- Ano ang mahirap sa subject na ito? Sa totoo lang ang Matematika ay nakalilibang.
Uri ng Katapora:
- elipsis
Ang elipsis ang tumutukoy sa pagtitipid sa pagpapahayag. Ang mga salita ay karaniwang inaalis upang maiwasan ang pag uulit sa isang pahayag.
Halimbawa:
- Nagpunta si Mario sa bayan at namili si Mario sa bayan.
Nagpunta ai Mario sa bayan at namili.
Ang kohesiyong gramatikal ay ginagamit na pang – ugnay kapag ito ay gumagamit ng iba't-ibang pangatnig upang pag-ugnayin ang dalawang pangungusap.
Halimbawa:
- Hindi magtatagumpay ang iyong plano sapagkat masama ang layunin nito.
- Hindi ka makakarating sa iyong pupuntahan kung hindi mo lilingunin ang mga taong tumulong sa iyo.
Ang kohesiyong gramatikal ay ginagamit na pamalit sa pangungusap kapag ito ay ginagamit na pamalit sa pangngalan, pandiwa, o sugnay.
Uri ng Kohesiyong Gramatikal na Pamalit:
- clausal
- nominal
- verbal
Ang clausal ay tumutukoy sa pagpapalit ng sugnay sa pangungusap.
Halimbawa:
- Hindi nahabol ng mga tao ang magnanakaw. Nagawa kaya ng mga pulis na sila ay tugisin?
- Hindi nagawa ni Issa ang kanyang proyekto. Tiyak na magagalit ang kaniyang guro dahil dito.
Ang nominal ay tumutukoy sa tiyak na pangngalan.
Halimbawa:
- Ang wikang Filipino ay makatutulong upang tayo'y magkaunawan at magkaisa. Kailangan lang natin pagyamanin ang ating wikang pambansa.
- Ang bansang Pilipinas ay may mayamang kultura. Ito ay may iba’t ibang karanasan, relihiyon, lenggawahe, at pananamit.
Ang verbal ay tumutukoy sa pagpapalit ng pandiwa sa pangungusap.
Halimbawa:
- Inaayos na nila ang sala, at ginagawa ng iba ang kusina.
- Itinayo nila ang tent at inayos ng iba ang bonfire.
Ang kohesiyong gramatikal ay ginagamit na panlahat upang lubos na maunawaan ang kaisipang hatid ng mga pahayag.
Halimbawa:
- Sa pagsusulat ng isang sanaysay, mainam na gumamit ng mga ito upang hindi maging paulit-ulit ang mga salita, terminolohiya, o mga reperensiyang ating gagamitin.
Uri ng kohesiyong gramatikal: https://brainly.ph/question/196859
Mga halimbawa ng kohesiyong gramatikal: https://brainly.ph/question/787713
Mahalaga sa amin ang iyong pagbisita. Huwag mag-atubiling bumalik para sa higit pang maaasahang mga sagot sa anumang mga tanong na mayroon ka. Pinahahalagahan namin ang iyong pagbisita. Lagi kaming narito upang mag-alok ng tumpak at maaasahang mga sagot. Bumalik anumang oras. Nagagalak kaming sagutin ang iyong mga tanong. Bumalik sa Imhr.ca para sa higit pang mga sagot.