Ang Imhr.ca ang pinakamahusay na lugar upang makakuha ng mabilis at tumpak na mga sagot sa lahat ng iyong mga tanong. Tuklasin ang malalim na mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na hanay ng mga eksperto sa aming madaling gamitin na Q&A platform. Sumali sa aming Q&A platform upang kumonekta sa mga eksperto na dedikado sa pagbibigay ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong sa iba't ibang larangan.

gumawa ng recipe para sa matiwasay na lipunan na may sangkap at pamamaraan

Sagot :

Answer:

Recipe Ng Isang Matiwasay na Lipunan:

Ito ay naglalaman ng maraming uri ng sangkap upang makamtan ang matiwasay na lipunan. Alamin nating ang mga sangakap nito.

Explanation:

Mga Sangkap:

  1. Hinati-hating Katarungan.
  2. Pagmamahal sa Bayan.
  3. Isang pangbudbod na Bukas na Komunikasyon (1/3 na  bukas na t e n g a, 1/3 na bukas na bibig, 1/3 na bukas na diwa’t puso)..
  4. Isang baso ng Sosyalismo (‘yung walang kinikilalang  antas sa lipunan: walang mababang uri o matataas na uri).
  5. Isang boteng Adbokasiya (ito ay ang Lahat ng  Ginagawa ng Tao ay para sa Ikauunlad ng Kanyang Bayan).
  6. Pinulbos na Karapatang Pantao.
  7. 2 basong Makatao (ito ay ang maka-Diyos para sa mga  naniniwala sa Diyos).
  8. Sauce na Edukasyong Para sa Lahat.
  9. Mga ginayat na Kultura at Sining

(Tingnan ang may kaugnayang link tungkol sa sangkap: Ano-ano ang mga sangkap ng isang matiwasay na lipunan? - brainly.ph/question/118582)

Pamamaraan:

  • Ilagay ang hinati-hating Katarungan sa isang  malaking lalagyan
  • Haluan ang Katarungan ng Pagmamahal sa Bayan. Ang  katarungan ay balewala kung wala itong pag-ibig sa kanyang sinilangan at  lahi. At para magkaroon ng pagmamahal sa bayan, ang lahat dapat ay matapat sa  kanyang bayan at hindi sa iisang pinuno lalo kung ang pinuno ay isang tuta ng  imperyalismo’t korapsyon at naghahasik ng karahasan at gusto ng diktadurya kaysa kalayaan.
  • Matapos itong mapagsama ay huwag kakalimutang  budburan ito ng Bukas na Komunikasyon. Ang kapayapaan ay hindi nakukuha sa  pagpapatahimik ng mga bibig ng mga mamayan sa isang bansa, ang kapayapaan ay  nakukuha sa bukas na tenga ng bawat isa, bukas na bibig para ipaglaban hindi  lamang ang sarili kundi pati ang mga walang kakayahang maipagtanggol ang  kanilang sarili, at bukas na diwa’t puso para hindi maging insensitibo at  maraya.
  • Ibuhos ang isang baso ng Sosyalismo sa malaking  lalagyan, haluin nang haluin hanggang sa maging palaban ito para sa bayan at  maging buo ang matiwasay na lipunan!
  • Para maging mas malasa, lagyan ng isang boteng  Adbokasiya. Hayaang sipsipin ito ng nabubuo nang matiwasay na lipunan.
  • Dapat tandaan na kapag nasipsip na ang lahat ng Adbokasiya, kailangan itong  igulong sa Karapatang Pantao. Kailangan mabalot ito ng Karapatang Pantao para  walang naaagrabyadong tao at maging mas malasahan ang Katarungan para sa isang  matiwasay na lipunan .
  • Ilagay sa kumukulong 2 basong Makatao ang ginawa.  Tandaan, kung ang nakalagay sa label ay maka-Diyos lang at hindi nakalagay na Makatao  ito, peke ang nabili. Huwag magpapaniwala sa mga Fake News.
  • At kapag nakitang buo na ang pinakukuluan, hanguin  ito. Ilagay sa malaki at magandang plato kung saan lalagyan sauce na Edukasyong  Para sa Lahat. Tandaan kung wala ang sauce na ito, walang manunuot na lasa na  siyang magpapasarap lalo at magpapaunlad ng matiwasay na lipunan.
  • Last but not the least, ilagay sa tabi ang mga  ginayat na Kultura at Sining upang ipaalala ang ugat ng nabuong lipunan na  ginawang matiwasay. Kung hindi ito ilalagay, hindi bongga ihain ang matiwasay  na lipunan. Tandaan na hindi lamang ito pampaganda, ito ay pantanggal-umay na  kailangang-kailangan ng isang matiwasay na lipunan upang patuloy itong maging  masarap. Ika nga, para habang tumatagal – lalong sumasarap!

Narito ang mga  link na may kaugnayan:

Halimbawa ng  recipe para sa matiwasay na lipunan - brainly.ph/question/14241

Recipe ng  matiwasay na lipunan - brainly.ph/question/132152

Para mas malinaw ang lahat. Ano nga ba ang kahulugan  ng matiwasay? O ano-ano ang mga kasingkahulugan nito para mas maunawaan natin  ang pagbuo ng isang matiwasan na lipunan?

Ang matiwasay sa Ingles (in English)  ay “tranquil” o “tranquillity”.  Sa  Tagalog ito ay kapanatagan, mapayapa, tahimik o kalmado, kahinahunan, hindi  maligalig, matampay, o walang tigatig.  

(Tingnan: Ano ang ibig sabihin ng  matiwasay na lipunan - brainly.ph/question/13874)

(Dagdag  kaalaman! Para sa kahulugan pa ng matiwasay na lipunan, tingnan ang link na ito:  Ano ang larawan ng isang matiwasay na lipunan? -  brainly.ph/question/14849)

Salamat sa pagpili sa aming serbisyo. Kami ay nakatuon sa pagbibigay ng pinakamahusay na mga sagot para sa lahat ng iyong mga katanungan. Bisitahin muli kami. Umaasa kaming nahanap mo ang hinahanap mo. Huwag mag-atubiling bumalik sa amin para sa higit pang mga sagot at napapanahong impormasyon. Bisitahin ang Imhr.ca para sa mga bago at kapani-paniwalang sagot mula sa aming mga eksperto.