Maligayang pagdating sa Imhr.ca, kung saan maaari kang makakuha ng mga sagot mula sa mga eksperto. Sumali sa aming Q&A platform upang kumonekta sa mga eksperto na handang magbigay ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong sa iba't ibang larangan. Maranasan ang kadalian ng paghahanap ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na komunidad ng mga eksperto.

ano ano ang naging ambag ng mga imperyong ito sa kasalukuyang kabihihasnan ? ? ? ? ?

Sagot :

ncz
IMPERYONG MAURYA

Sa ilalim ni Chandragupta at mga kahalili nito, ang panloob at panlabas na kalakalan, mga gawaing agrikultura at ekonomiko ay lahat yumabong at lumawak sa ibayong India dahil sa pagkakalikha ng isa at maiging sistema ng pinansiya, pamamahala at seguridad.

Pagkatapos ng Digmaang Kalinga, ang imperyo ay nakaranas ng kalahating siglongkapayapaan at seguridad sa ilalim ni Ashoka.

Ang Mauryanong India ay nagtamasa rin ng panahon ng pagkakaisang panlipunan, pagbabagong panrelihiyon at paglawak ng mga agham at kaalaman.




IMPERYONG MOGUL

Dinala ng mga Mogul sa India ang Miniature painting, maliit na larangang ipininta na hango sa sining ng Persia

Nakilala rin ang Akbar at ang mga sumunod na haring Mogul ay nakilala sa magagarang palasyo: Moske, Kuta, Libingan na kanilang pinatayo.

Taj Mahal ang pinakakilala sa lahat ng mga gusali. Itinanghal na pinakamaganda ito sa buong daigdig 



IMPERYONG GUPTA

Naganap ang Golden Age.

Umunlad ang agham sa panahong ito, tinalakay ng isang matematiko at astronomo na si Aryabhata ang halaga ng pag-ikot at hugis sphere ng daigdig

Tinantiya ng ibang astronomo ang dyametro ng buwan, nagsulat tungkol sa gravitation, pinaunlad rin ang number symbols, pinag-aralan ang sistemang decimals a at sila ang unang gumamit ng zero,
 nakahanap sila ng mga bagong gamit, ang kanilang patalim ay yari sa asero at sila ang unang gumawa ng mga tulang Calico.

Nakagsagawa sila ng operasyon/surgery.

Kilala rin ang mga Gupta sa pagkukwento. Panchatantra ang pinakilalang aklat ng kwento na binubuo ng 37 kwento. Sa panahong ito, humina ang Buddhism at higit na binigyan ng tulong ng mga Gupta ang mga Brahmin kung kaya’t lumago muli ang Hinduism
Salamat sa paggamit ng aming plataporma. Layunin naming magbigay ng tumpak at napapanahong mga sagot sa lahat ng iyong mga katanungan. Bumalik kaagad. Umaasa kami na nakatulong ito. Mangyaring bumalik kapag kailangan mo ng higit pang impormasyon o mga sagot sa iyong mga katanungan. Ang Imhr.ca ay nandito upang magbigay ng tamang sagot sa iyong mga katanungan. Bumalik muli para sa higit pang impormasyon.