Ang taunang Buwan ng Wika ay
isinasagawa tuwing buwan ng Agosto. Nagyong taong 2015, ito ay may temang :
Wikang Filipino ay Wika ng Pambansang Kaunlaran. Ang padiwang nito ay
isinasagawa sa iba't -ibang paraan. Kadalasan ang bawat paaralan ay magkakaroon
ng iba't-ibang patimpalak tulad ng balagtasan, slogan, poster at pagsusulat ng
sanaysay. Meron ding mga paghahandog tulad ng pagtutula.
Halimbawa ng tula para sa selebrasyon ng Wikang
Pambansa:
Ang Wika'y Kailangan dito sa Perlas ng Silangan
Oh bakit nga ba merong wika?
Ika'y makinig, musmos na bata
Ang bansa ay walang saysay kung walang wika.
Malungkot, mapait at walang buhay ang bawat isa.
Sa komunikasyon, walang maggagawa, sa paglalahad
ay walang bisa.
Kaya't halina at magtulungan
upang wikang Filipino ay uunlad
sa bawat barangay, komunidad at sulok ng bansa.