Ang tema at mga kaisipan ng pabulang pinamagatang "Hatol ng Kuneho" ay tungkol sa pagtanaw ng utang na loob. Ang kwento ay umiikot sa isang tigreng nahulog sa hukay at tinulungang umahon ng isang tao pagkatapos pangakuan na ang tao ay hindi sasaktan ngunit nang makaahon na ang tigre ay hindi ito tumupad sa pangako at gustong kainin ang tao. Ipinapakita sa kwento na ang kabutihang ibinigay ng tao ay hindi sinuklian ng kabutihan ng tigre at hindi rin ito marunong tumanaw ng utang na loob. Malinaw na ipinapakita sa kwento na may mga tao ngang hindi talaga marunong tumanaw ng utang na loob. May mga taong tinulungan mo na nga ay sasaktan ka pa. Ipinapakita din sa kwento na dapat pag-isipan ang lahat ng desisyon nang hindi mapahamak at huwag magtitiwala agad.