FERNICAR
Answered

Makakuha ng mabilis at tumpak na mga sagot sa iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang pinakamahusay na Q&A platform. Itanong ang iyong mga katanungan at makatanggap ng eksaktong sagot mula sa mga propesyonal na may malawak na karanasan sa iba't ibang disiplina. Tuklasin ang detalyadong mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na network ng mga eksperto sa aming komprehensibong Q&A platform.

paano nakaaapekto ang klima sa pamumuhay ng tao sa isang lugar??

Sagot :

Malaki ang epekto ng Klima sa pamumuhay ng mga tao sa isang lugar dahil dito nakabasi ang kanilang mga ikinabubuhay lalo na ang mga magsasaka at mangingisda nating mga kababayan dahil sa panahon o klima nila ibinabase ang kanilang hanapbuhay . Dito sa atin sa Pilipinas ay mayroon dalawang Klima ang tag-ulan at tag-init.

Dalawang pangunahing klima sa Pilipinas

  1. tag-ulan - ito ang panahon kung saan labis labis na pag-ulan ang ating nararanasan
  2. tag-init - ito ang panahon kung saan labis naman ang init na ating nararanasan.

Epekto ng tag-ulan sa pamumuhay ng mga tao sa isang lugar

  • dahil sa labis na pag-ulan nagdudulot ito ng mga pagbaha, naapektohan ang pamumuhay ng mga taong malalapit sa mga ilog, malalabot na lupa dahil pinalilikas sila satakot na maanod ang kanilang mga bahay o di kaya ay maguhuan sila ng lupa,
  • Dahil din sa tag-ulan ay nalolonod ang ilan sa mga pananim sa ating mga bukirin at lupang sakahan. kung kayat nakakaranas tayo ng shortage sa mga supply ng pagkain.
  • kung tag-ulan din ay kakaunti lamang ang mga mangingisda na pumapalaot lalong lalo na may malilit lamang na bangka dahil sa takot na mahampas sila ng malalakas na alon.
  • Kung tag-ulan laganap din ang ibat-ibang uri ng sakit ubo at sipon sakit sa balat at marami pang iba.

Epekto ng tag-init sa pamumuhay sa mga tao sa isang lugar

  • Kung tag-init naman apektado rin ang panamin ng ilan nating mga kababayan dahil maaring kinukulang sila sa mga patubig sa kanilang mga lupang sakahan.
  • kung tag-init laganap din ang ibat-ibang uri ng sakit lalo na ang heat stroke.
  • Dahil sa pagkatuyo ng lupa ay namamatay ang mga halaman dahilan upang malugi ang ani ng ating mga magsasaka.

Solusyon upang matugunan ang mga suliraning kinakaharap sa problema sa pagbabago ng klima sa bansa.

maaring maglunsad ang ating pamahalaan ng mga programa para sa mga suliranin tuwing magbabago ang klima sa Bansa. Makabubuting maglaan sila ng malaking budget sa mga patubig sa mga taniman tuwing tag-init, maaring maglunsad sila ng mga alternatibong pagkakakitaan ng mga tao lalo na ang mga magsasaka kung sakaling apektado ang kanilang lugar sa pagbabago ng klima.

buksan para sa karagdagang kaalaman

ibat-ibang uri ng klima sa daigdig https://brainly.ph/question/579750

epekto ng klima sa bansa https://brainly.ph/question/1523350

ibat-ibang uri ng klima sa asya https://brainly.ph/question/154024

Salamat sa paggamit ng aming serbisyo. Lagi kaming narito upang magbigay ng tumpak at napapanahong mga sagot sa lahat ng iyong mga katanungan. Salamat sa pagpunta. Nagsusumikap kaming magbigay ng pinakamahusay na mga sagot para sa lahat ng iyong mga katanungan. Kita tayo muli sa susunod. Ang iyong mga tanong ay mahalaga sa amin. Balik-balikan ang Imhr.ca para sa higit pang mga sagot.