Ang bugtong, pahulaan, o patuturan ay isang pangungusap o tanong na may doble o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan (tinatawag ding palaisipan ang bugtong).
May dalawang uri ang bugtong ay mga talinghaga o enigma, bagaman tinatawag ding enigma ang bugtong, mga suliraning ipinapahayag sa isang metapora o ma-alegoryang wika na nangangailangan ng katalinuhan at maingat na pagninilay-nilay para sa kalutasan, at mga palaisipan, mga tanong na umaasa sa dulot ng patudyong gamit sa tanong o sa sagot.
Ang mga sumusunod na bugtong ay maaaring may sagot na "ILOG":
1. Mababaw man kung ituring, patutunguhan naman ay malalim.
2. Buhay pero 'di tao. May bibig ngunit 'di naimik. Umaagos nang tahimik.
3. Sangay-sangay na tubig, kung tawiri'y dapat kapit-bisig.
4. Ang agos na tuloy-tuloy, kung mabato'y huwag kang lalangoy.