Tuklasin ang mga sagot sa iyong mga katanungan nang madali sa Imhr.ca, ang mapagkakatiwalaang Q&A platform. Sumali sa aming Q&A platform upang makakuha ng eksaktong sagot mula sa mga eksperto sa iba't ibang larangan at mapalawak ang iyong kaalaman. Kumuha ng detalyado at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga eksperto na dedikado sa pagbibigay ng tamang impormasyon.

Halimbawa ng Tula tungkol sa Wikang Pambansang Kaunlaran

Sagot :

Tatag ng Wikang Filipino, Lakas ng Pagka-Filipino
ni: Avon Adarna

Ang wika ay apoy – nagbibigay-init,
Sa sanggol na hulog ng anghel sa langit,
Ang inang kumalong at siglang umawit,
Wikang Filipino ang siyang ginamit.

Ang wika ay tubig - na nagpapaputi,
Ng pusong may sala at bahid ng dumi,
Manalangin lamang at saka magsisi,
At patatawarin ng Poong mabuti!

Ang wika ay hangin – siyang bumubuhay,
Sa patid na hinga ng kulturang patay,
Ito’y nagbibigay ng siglang mahusay, 
Sa mga tradisyon at pagtatagumpay.

Ang wika ay bato - na siyang tuntungan,
Nitong mga paa ng mahal na bayan,
Wika ay sandigan nitong kasarinlan,
Sa bundok o burol, maging kapatagan.

May alab ng apoy at lakas ng bato,
At kinang ng tubig na wari ay ginto,
Wikang Filipino’y matatag na hukbo
Na lakas ng iyong pagka-Filipino!

-mga tagalog na tula 

Kahulugan ng mga Salita:

kasarinlan – kalayaan, independensiya, pagsasarili, kakaniyahan, kakayahang mag-isa. Kadalasang ginagamit sa estado ng isang bansa na nasakop ng ibang bansa katulad ng Pilipinas.

Halimbawa:
• Tunay nga bang natamo na ng ating bansa ang kasarinlan mula sa mga mananakop?
• Ang tagalog na tula na kanyang ginawa ay bunga lamang ng kasarinlan ng kanyang isip at damdamin laban sa kanyang mga magulang.
• Dalisay ang kasarinlan ng ating wika kung ito ay hindi nangangailangan ng hiram na salita.