Ang pagkakaroon ng mapagkakakitaan ang dahil ng quarrying na nakapagdudulot naman sakit at pagkasira ng kalikasan ang epektong naibibigay nito.
Ang quarrying ay isang proseso na kung saan ang mga materyales tulad ng bato o graba, buhangin, at iba pa ay kinukuha sa pamamagitan ng paghuhukay o di naman kaya ay pagpapasabog at pagbabarena.
Ang dahilan kung bakit may quarrying ay nakapagbibigay ito ng trabaho o mapagkakakitaan sa mga tao. Subalit ang gawaing ito ay may masamang epekto sa ating mga tao pati na rin sa ating kapaligiran.
Ang epekto ng quarrying sa mga tao ay nakapagdudulot ng sakit sa baga. Samantala, sa usaping pangkapaligiran ito ay nakapagdudulot ng polusyon sa hangin na nakukuha mula sa usok at alikabok at pagkasira ng likas na yaman na dulot ng pagpapasabog.