B. Lagyan ng (/) kung wasto ang isinasaad ng pahayag at (X) naman kung hindi. 1. Ang magandang simula ay nararapat na tumatawag ng pansin sa mambabasa, nagbibigay ng pahiwatig sa nilalaman ng talata at humihikayat sa bumabasa na alamin ang paksa. 2. Upang maging mabisa ang isang talata, ito ay dapat na may isang paksang diwa, buong diwa, may kaisahan, maayos ang pagkakalahad, at may tamang pagkakaugnay at pagkasunod-sunod ng mga kaisipan. 3. Ang mahusay na talata ay may dalawang bahagi. Ang una ay panimulang pangungusap na nagbibigay interes at kawilihan sa bumabasa sa nilalaman ng talata at ang pangalawa naman ay ang pangwakas na pangungusap na nagbubuod sa talata. 4. Ang talatang pabuod ay tumutukoy rin sa huling palagay sa paksa na binanggit sa talata. 5. Ang lahat ng pangungusap sa loob ng talata ay dapat magkakaugnay sa pagbuo ng iisang diwa upang hindi malayo sa paksang pangungusap.