Iguhit ang araw -) kung tama ang pangungusap at buwan naman kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. 1. Sa lalawigan ng Cagayan ay matatagpuan ang Boracay Beach at ito ay kilala dahil sa malinis at malinaw nitong baybayin at dagat. 2. Ang Ilog Cagayan ay isa sa pinakamahabang ilog sa bansa. 3. Matatagpuan ang Bundok Cagua sa Gonzaga, Cagayan. 4. Isa sa mga anyong lupa ang lawa at ito ay makikita sa siyudad ng Tuguegarao. 5. Ang bundok Sierra Madre ay makikita mo lamang kung nasa lalawigan ka ng Cagayan. 6. Ang lalawigan ng Quirino ay pinakamaraming bayan sa Lambak ng Cagayan. 7. Ang lalawigan ng Cagayan ay kilala sa mga yamang-dagat at dito mo makikita ang itim na buhangin na gingawang bakal. 8. Matatagpuan ang mga bahay na bato sa lalawigan ng Batanes 2 9. Kilala ang lalawigan ng Isabela sa mga produktong mais at palay. 10. Ang mahabang ilog na nandito sa ating lugar ng siyudad ng Cauayan ay kadugtong ng Ilog Cagayan.