TAYAHIN 1. Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Alin sa mga sumusunod ang pinakamahalagang ambag ng mga Babylonians sa kabihasnan? a. Batas b. Demokrasya c. Sistemang Caste d. Ziggurat 2. Ang mga iskolar na nag-aaral sa kasaysayan ng Egypt. a. Egyptologist b. Geologist c. Paleontologist d. Zoologist 3. Ang tanyag na gusali sa Babylonia na ipinagawa ni Nebuchadnezzar para sa kaniyang asawa at kabilang sa Seven Wonders of the Ancient World. a. Alexandria b. Hanging Gardens c. Pyramid d. Ziggurat 4. Bakit mahalaga ang lambak-ilog sa pag-usbong ng sinaunang sibilisasyon? a. Ang lambak-ilog ay mainam sa pagtatanim dahil sa matabang lupa. b. Ang lambak-ilog ang naging pinagkukunan ng suplay ng tubig sa komunidad. c. Ang lambak-ilog ang tulay ng transportasyon at kalakalan. d. Lahat ng nabanggit. 5. Ano ang ipinahihiwatig nang pagkakaroon ng cuneiform ng mga Sumerian at hieroglypics ng mga taga-Ehipto? a. Ang sinaunang tao ay matatalino. b. Ang mga sinaunang tao ay mga manunulat. c. Ang mga sinaunang tao ay mayroong sistema ng pagsulat. d. Ang sinaunang kabihasnan ay mayroong sistema ng komunikasyon. 6. Bakit mahalaga ang pag-unlad ng isang pamayanan? a. Napapaunlad nito ang ekonomiya-sa paggawa at kalakalan. b. Natutugunan ang problema ng kakapusan sa pagkakaroon ng makabagong teknolohiya sa produksiyon. c. Nagkakaroon ng organisadong paninirahan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng pamahalaan at batas, pananampalataya, sistemang edukasyon at iba pa. d. Lahat ng nabanggit. 7. Ang tawag sa sagradong aklat na tinipong himnong pandigma, sagradong ritwal, sawikain at mga salaysay ng mga Hindu. a. Bibliya b. Koran c. Ritwal d. Vedas 8. Ang tawag sa isang kaisipan na humubog sa kamalayan ng mga Tsino na naglalayong magkaroon ng isang tahimik at organisadong lipunan sa pamamagitan ng pagpapabuti sa sarili at pagpapahalaga sa ugnayan ng mga tao sa lipunan. a. Confucianismo b. Daoismo c. Legalismo d. Taoismo