GAWAIN 2. TAMA O MALI Panuto: Isulat sa patlang ang Ikung tama ang isinasaad ng pahayag at M naman kung mali. 1. Kailangang tuklasin at paunlarin ang mga hilig gawin. 2. Ibase ang pangarap sa hilig gawin at ambisyon ng kaibigan. 3. Sa pagpili ng kursong tatahakin ay mahalagang isaalang-alang ang iyong mga hilig gawin upang hindi mahirapan at magkaroon ng kasiyahan sa paggawa ng mga gawain. -4. May mga gawaing nakapagpapaunlad ng mga hilig at talento. 5. Ang hilig ay dapat na pinagyayaman upang maging kapaki-pakinabang sa paggawa ng mga tungkulin at makatulong ito sa pagpili ng kursong iyong tatahakin. 6. Kung ikaw ay mahilig sa pag-awit, maaari kang maging isang sikat na mang-aawit kung ito ay iyong pagbubutihin at palaging hahasain. 7. Ang bawat kabataan ay may pangarap. Makakamit ito sa pamamagitan ng pagiging determinado sa buhay at pagsusumikap na paunlarin ang iyong mga hilig. 8. Upang mas higit na mapagbuti ang iyong hilig, nararapat lamang na suriin ang iyong mga kalakasan at potensyal. 9. Kung ikaw ay mahilig sa computer, isa sa puwede mong pagpiliang kurso ay ang pagiging isang Agriculturist. 10. Ang pagiging tamad at kawalang tiwala sa sariling kakayahan ay nakapag dudulo ng kagalingan sa mga gawain.