1. Sa kabila ng kahirapan sa buhay, hindi nawalan ng pag-asa si Hulia na balang araw magiging maayos ang buhay ng kanyang pamilya. Araw-araw niyang ipinagdarasal ito sa Panginoon A. pagmamahal sa katotohanan B. may paninindigan C. may pananampalataya D. katatagan ng loob 2. Kada buwan ipinapadala ni Marta sa pamilya ang natanggap na sahod upang ipagbili ng pagkain para sa magulang at kapatid. Anong katangian ang ipinapakita ni Marta? A. kaalaman B. pagmamahal sa pamilya C. bukas na isipan D. lakas ng loob 3. Sumali ka sa Boy Scout at isa sa mga activities ay ang umakyat sa puno upang kunin ang premyo. Ikaw ang inatasang gumawa nito subalit ang hindi alam ng lahat na ikaw ay may malaking takot sa mga matataas na lugar. Pero kahit ganoon, sinubukan mong akyatin ang puno at nakuha ang premyo. A. lakas ng loob B. pagiging responsable C. may paninindigan D. pagiging mahinahon 4. Mag i-enrol sa Grade 7 si Gina sa susunod na pasukan subalit kulang pa ang pera na naipon niya. Hindi siya huminto sa paghahanap ng mapagkakakitaan upang mabuo ang pera na gagamitin niya sa kanyang pag-aaral. A. may pamamampalataya B. responsable C. metatag na loob D. maparaan 5. Lilipat na sa Maynila si Joselyn upang mag-aral ng kursong pinakagusto niya. Alam ni Joselyn na kapag matapos niya ang kursong ito hindi siya mahihirapang maghanap ng trabaho dahil sa in demand ito. A. katatagan ng loob B. mapanuring pag-iisip C. pagkamahinahon D. kahinaan ng loob