II. Basahin at unawain ang bawat pangungusap at pagkatapos, tukuyin ang pang-ugnay na ginamit at isulat din ang uri ng pang-ugnay na ginamit. (mga pang-ugnay- panggatnig, pang-angkop, pang-ukol)
A. Buo ang pamilya ng mga Pilipino sapagkat mahusay mag-alaga ng pamilya.
11. Pang-ugnay na ginamit:
12. Uri ng Pang-ugnay:
B. Ang hindi pagkakaroon ng pantay na karapatan ay alinsunod sa tradisyong Asyano.
13. Pang-ugnay na ginamit:
14. Uri ng Pang-ugnay:
C. Ang mabuting pagpapalaki sa anak saka ang pag-aaruga nang mabuti sa kanilang kalusugan ay gawain ng mga babaeng Asyano.
15. Pang-uri na ginamit:
16. Uri ng Pang-ugnay:
D. Nagkakaroon ng mabuting kalusugan at magalang na pag-uugali ang mga anak ng mga babaeng Asyano dahil sila ang nag-aalaga sa mga ito.
17. Pang-ugnay na ginamit:
18. Uri ng Pang-ugnay:
E. Palibhasa'y mababang uri ang tingin sa kanila, kaya di sila binibigyan ng pagkakataong makilahok sa mga gawaing pampolitiko, pangnegosyo, at iba pang gawaing makakaya ng mga lalaki.
19. Pang-ugnay na ginamit:
20. Uri ng Pang-ugnay:
need answer please wag kunin points help lang