Sa pamamagitan ng mga halimbawang sitwasyon, ilapat ang nauunawaang kahulugan ng mga gamit ng wika sa lipunan sa nasabing sitwasyon. Isulat sa patlang kung Instrumental, Regulatoryo, Interaksiyon, Personal, Heuristiko, at Representatibo ang gamit ng wika.
_______1. Paghihinuha sa mga pangyayari sa kuwento.
_______2. Pagsasarbey kung ano ang wikang pambansa ng Pilipinas.
_______3. Pinauuwi ng ina nang maaga ang anak.
_______4. Pag-uulat sa klase ng tungkol sa kasaysayan ng wikang pambansa.
_______5. Paggawa ng liham na nagtatanong kung paano makakakuha ng iskolarsyip sa isang unibersidad/kolehiyo.
_______6. Pagsasabi ng "Po" at "Opo sa matandang babae habang kinakausap.
_______7. Pakikisuyo sa kapatid na dalhin ang gamit niya sa kuwarto.
_______8. Binibigyan ng direksiyon ng guro ang mga mag-aaral kung ano ang gagawin sa pagsusulit.
_______9. Pakikipanayam sa ilang kabataan kung paano hinahati-hati ang pag-aaral ng mga kurso.
______10. Pagsulat ng sariling tula.
REPORT IF MALI ANG SAGOT!