basahin ang tula sa ibaba at sagutin and sumusunod na tanong. sagutin ang mga katanungan. Isulat ang mga sagot sa sagutang papel.
Sa Totoo Lang Po!
kung nais mong maging isang mabuting tao maging matapat sa lahat ng ginagawa Ipaalam at sabihin ang mga inaakala sa mga magulang at nakatatanda.
Sa totoo ang kasinungalingan ay isang kasalanan na di nahuhugasan nag sisilbing batik kahit kaninoman kaya't katahimikan ay di makakamtan.
Sa totoo lang dapat kahit masakit sabihin natin ang dapat ipilit pagsasabi ng totoo ay isang prinsipyo na di mababayaran ng kahit na sino.
Sa totoo lang di dapat manloko pagkat ang tiwala ng tao ay walang presyo ang katapatan tuwina'y isapuso sa lahat ng oras at saanmang dako.
Ipakita ang katapatan sa lahat ng bagaya sa isip, sa salita, at maging sa gawa maging bahagi ng buhay kahit ikaw ay bata upang sa paglaki, kamtin ay gantimpala.
1. Tungkol saan ang tula?
________________________________
2. Bakit ito pinamagatang "Sa Totoo Lang Po"?
________________________________
3. Pumili ng isang saknong at ipaliwanag ang nilalaman nito.
________________________________
4. Alin sa mga saknong ang iyong naibigan? Bakit?
________________________________
5. Alin sa mga saknong ang nagpapaliwanag ng pagiging matapat sa ating mga sasabihin kahit minsan may masasaktan?
________________________________
(6-10) Ayon sa nabasang tula. magbigay ng limang halimbawa ng mga gawaing nagpapakita ng katapatan. Piliin sa mga nakasulat sa ibaba ang katangian ng taong matapat.
________________________________________________________________________________________________________________________________.