Maligayang pagdating sa Imhr.ca, kung saan maaari kang makakuha ng mga sagot mula sa mga eksperto nang mabilis at tumpak. Maranasan ang kadalian ng pagkuha ng mabilis at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa mga propesyonal sa aming platform. Kumuha ng mabilis at mapagkakatiwalaang mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga bihasang eksperto sa aming platform.

PANUTO: Ipaliwanag ang iba't ibang prinsipyo ng Dangal Pantao at magbigay ng halimbawa kung paano maipapamalas ang mga ito. Prinsipyo ng Dangal ng Tao Paliwanag Halimbawa
1. Ang tao ay ibinibilang na banal mula sa kanyang pagkalalang hanggang sa kanyang kamatayan.
2. Bawat tao ay dapat kinikilalang mahalagang kasapi ng pamayanan ng may materyal at espiritwal na kalikasan.
3. Ang dignidad ng tao ay ipinagtatanggol sa pamamagitan ng paggalang, pagmamahal at pag-aaruga ng buhay.​

PANUTO Ipaliwanag Ang Ibat Ibang Prinsipyo Ng Dangal Pantao At Magbigay Ng Halimbawa Kung Paano Maipapamalas Ang Mga Ito Prinsipyo Ng Dangal Ng Tao Paliwanag Ha class=

Sagot :

1.)

Paliwanag: Ang tao ay sadya nang isinilang na kagalang-galang at mayroon nang sariling dangal na hindi dapat ipagsawalang bahala at ang pagkabanal na ito o ang pagiging pagkarespe-respeto nito ay dadalhin na nito hanggang kamatayan sapagkat ito ay tao.

Halimbawa: Lahat ng tao sa ating kapaligiran, mapasino man ay siyang tinitignang banal o may katumbas na dangal na siyang salungat sa pagtrato natin sa ibang mga bagay dahil angat sa lahat maliban lang sa Diyos ang mga tao.

2.)

Paliwanag: Lahat ng tao ay may katumbas na mahalagang silbi sa pamayanan.

Halimbawa: Lahat ng nasa ating komunidad ay siyang tinitingala at kilala na mayroong silbi. Maaari itong maging sa pagtataguyod ng pamilya na siyang mahalagang parte ng lipunan o maging sa pagsisilbi mismo sa pamayanan para sa ikabubuti ng lahat.

3.)

Paliwanag: Ang ating dignidad ay siyang sumasalamin din base sa ating pag-akto o moralidad na ipinapakita sa ating kapwa.

Halimbawa: Ang mga taong marangal at siyang tunay na tapat sa kanino man o nagpapakita ng mataas na antas ng moralidad ay siyang nabububay bilang isang taong may dignidad at kinikilala din ng nakararami bilang isang respetadong indibidwal.

(Sinubukan ko po itong hanapin sa libro kung mayroon pong ganto doon at kung may explanation din pero wala po akong nahanap.

Ang mga sagot po na nandiyan ay base lamang sa aking sariling pagkaintindi sa aralin.

Ang paghusga po sa aking sagot ay nasasa-inyo na po.)