Maligayang pagdating sa Imhr.ca, kung saan maaari kang makakuha ng mga sagot mula sa mga eksperto. Kumuha ng mabilis at mapagkakatiwalaang mga sagot sa iyong mga tanong mula sa dedikadong komunidad ng mga propesyonal sa aming platform. Kumonekta sa isang komunidad ng mga eksperto na handang magbigay ng eksaktong solusyon sa iyong mga tanong nang mabilis at eksakto.
Sagot :
Answer:
- Una sa lahat, ang isang Pilipino ay bahagi ng kanyang pamilya. Kahit siya ay doktor, manunulat, siyentipiko, o ano pa man, nananatili siyang ama o anak, pamangkin o apo, sa loob ng kanyang pamilya. Dito ay iba ang kanyang katungkulan at ang pagkakakilala sa kanya. Sa lahat ng oras ay pangunahin sa kanya ang kanyang tungkulin bilang kasapi ng isang pamilya.
- Ang pinakaubod ng pamilyang Pilipino ay ang ama, ina at mga anak. Ang ama ang pinakapuno ng pamilya. Siya ang nasusunod at nagpapasya para sa pamilya. Sa kabilang dako ay tungkulin niyang pakainin, bigyan ng matitirhan at papag-aralin ang mga miyembro ng kanyang pamilya. Kaya siya ang nagtatrabaho at kumikita ng pera. Ang ina naman ang bahala sa bahay at sa pag-aalaga ng mga bata. Siya ang humahawak ng pera ng pamilya at pinagkakasya ito sa pangangailangan ng pamilya. Ang mga anak naman ay may responsibilidad rin. Sagutin nila ang mahusay na pag-aaral at ang pagtulong sa bahay.
- Kasama rin sa pag-aalala ng pamilya ang lolo at lola, ang mga kapatid ng ama at ina, lalo na’t ang mga ito’y nakababata. Kadalasa’y sama-sama sa isang bahay ang lolo at lola, ang ama at ina, at ang mga anak. Kung minsa’y kapisan din ang wala pang asawang kapatid ng ama o ina. Kapag ganitong kumpleto ang pamilya’y tatlong salin-lahi ang nakatira sa iisang bahay. Tulung-tulong sila sa mga gawain at sa paghahanap-buhay.
- Masinsin ding inaalala ng pamilya ang bawat kaarawan at anibersaryo. Sa mga okasyong ito ay may mga salu-salo’t pagtitipon. Ang may kaarawan o may anibersaryo ay binibigyan ng regalo. Nagbabalitaan ang pamilya at ikinukuwento ang buhay-buhay ng isa’t-isa. Gayun din ang buhay-buhay ng iba pang kamag-anak. Sa ganitong paraan, alam ng lahat ang halos lahat nang nangyayari sa iba pang pinsan o pamangkin. Masasabing tsismis ang ganitong pagbabalitaan subali’t may mabuti itong aspeto. Kung may nangangailangan ng tulong ay nalalaman kaagad ng pamilya.
Explanation:
yan sanay say yan
Mahalaga sa amin ang iyong pagbisita. Huwag mag-atubiling bumalik para sa higit pang maaasahang mga sagot sa anumang mga tanong na mayroon ka. Pinahahalagahan namin ang iyong oras. Mangyaring bumalik anumang oras para sa pinakabagong impormasyon at mga sagot sa iyong mga tanong. Imhr.ca, ang iyong pinagkakatiwalaang tagasagot. Huwag kalimutang bumalik para sa karagdagang impormasyon.