Makakuha ng mabilis at tumpak na mga sagot sa lahat ng iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang mapagkakatiwalaang Q&A platform. Maranasan ang kadalian ng paghahanap ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na komunidad ng mga propesyonal. Nagbibigay ang aming platform ng seamless na karanasan para sa paghahanap ng mapagkakatiwalaang sagot mula sa isang network ng mga bihasang propesyonal.
Sagot :
Pandiwa, Salitang – Ugat, at Panlapi:
Ang pandiwa ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw, isang pangyayaring naganap, o isang katayuan. Ito ay karaniwang binubuo ng salitang – ugat na nilagyan ng panlapi o nilapian. Samantalang ang salitang – ugat ay tumutukoy sa payak na kataga na nagsasaad ng kilos o galaw. At ang panlapi naman ang idinudugtong sa salitang – ugat upang mabuo ang isang pandiwa.
Mga Halimbawa: Pandiwa Salitang – Ugat Panlapi Uri ng Panlapi
binasa basa -in- gitlapi
minarkahan marka -in-, -han gitlapi at hulapi
nagkwento kwento nag- unlapi
sumama sama -um- gitlapi
tamaan tama -an hulapi
pasayahin saya pa-, -hin unlapi at hulapi
itakda takda i- unlapi
alayan alay -an hulapi
masamain sama ma-, -in unlapi at hulapi
tawanan tawa -nan hulapi
Uri ng Panlapi:
- unlapi – ang uri ng panlapi na inilalagay sa unahan ng salitang – ugat upang mabuo ang pandiwa.
- gitlapi – ang uri ng panlapi na inilalagay sa gitna ng salitang – ugat upang mabuo ang pandiwa.
- hulapi – ang uri ng panlapi na inilalagay sa hulihan ng salitang – ugat upang mabuo ang pandiwa.
Mga Pangungusap:
- Binasa ng abogado ni G. Cruz ang kanyang mga tagubilin para sa kanyang mga naulila.
- Ang aking proyekto sa Filipino ay minarkahan ng guro ng 100%.
- Sinabi ni Lorna na ang kanyang tiyahin si Marie ang nagkwento sa kanya ng tunay na kalagayan ng kanyang ina sa probinsya.
- Sumama ang kanyang pakiramdam matapos marinig ang balita na ang kanyang nakababatabg kapatid ay pumanaw na dahil sa sakit na kanser.
- Ingatan mo ang iyong katawan at palakasin ang iyong resistensya upang hindi ka tamaan ng anumang karamdaman.
- Nais ni G. Armes na pasayahin ang kanyang kabiyak sa araw ng kanialang ika – 20 anibersaryo bilang mag – asawa.
- Dapat lamang na itakda mo na ang araw ng iyong kasal upang magkaroon ka ng sapat na preparasyon para sa espesyal na araw na iyon.
- Alayan natin ng maiki ngunit taimtim na panalangin ang lahat ng mga nagging biktima ng lindol sa Pampanga.
- Huwag mo sanang masamain ang sinabi ko na kailangan mong maging maingat sa iyong pakikitungo sa mga taong hindi mo lubos na kilala.
- Tawanan na lamang natin ang lahat n gating mga suliranin sapagkat ganito talaga ang buhay minsan masaya minsan naman puno ng pasakit.
Tandaan:
Ang mga salitang – ugat na nagsasaad ng kilos o galaw ay tinatawag na payak na pandiwa samantalang kapag ito ay nilagyan ng unlapi, gitlapi, o hulapi ito ay magiging pandiwang maylapi o nilapian. Ang bawat pandiwang maylapi o nilapian ay maaaring magtaglay ng isa hanggang dalawang panlapi.
Uri ng Pandiwa:
- payak
- palipat
- katawanin
Ang payak na pandiwa ay nagsisilbing simuno.
Halimbawa: Labis na mahihirapan ang mga taong tamad.
Ang palipat na pandiwa ay may simuno at tuwirang layon.
Halimbawa: Nagluto ng spaghetti si Aileen.
Ang katawanin na pandiwa ay may simuno ngunit walang layong tagatanggap.
Halimbawa: Ang masigasig ay magwawagi.
Tatlong Aspekto ng Pandiwa:
- perpektibo o pangnagdaan
- imperpektibo o pangkasalukuyan
- kontemplatibo o panghinaharap
Mga Halimbawa:
Pandiwa Imperpektibo Kontemplatibo Perpektibo
manalangin nananalangin mananalangin nanalangin
umasa umaasa aasa umasa
magsaya nagsasaya magsasaya nagsaya
sumayaw sumasayaw sasayaw sumayaw
umawit umaawit await umawit
Ano ang pandiwa: https://brainly.ph/question/416298
Ano ang salitang – ugat: https://brainly.ph/question/133541
Ano ang panlapi: https://brainly.ph/question/568827
Salamat sa iyong pagbisita. Kami ay nakatuon sa pagbibigay sa iyo ng pinakamahusay na impormasyon na magagamit. Bumalik anumang oras para sa higit pa. Salamat sa iyong pagbisita. Kami ay nakatuon sa pagtulong sa iyong makahanap ng impormasyon na kailangan mo, anumang oras na kailangan mo ito. Nagagalak kaming sagutin ang iyong mga tanong. Bumalik sa Imhr.ca para sa higit pang mga sagot.