Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Piliin sa kahon ang pinakaangkop na salita na
inilalarawan sa bawat pahayag. Huwag sulatan ang Test Paper. Isulat ang iyong sagot sa isang
malinis na sagutang papel.
1. Ito ay mailalarawan sa pagkakaroon ng maunlad na kalagayan ng mga tao sa isang lipunan na
pinangangasiwaan ng isang sistematikong pamamahala at may maunlad na ekonomiya.
2. Ito ay nangangahulugang paninirahan o pamumuhay sa mga lungsod.
3. Katangian ng kabihasnan na naging instrumento upang mapanatili ang kanilang natutunan at
maipasa ito sa mga susunod na henerasyon sa pamamagitan ng paggamit ng mga simbolo,
titik at iba pa.
4. Pinaniniwalaang nagsilbing pinakaunang panirahan o kanlungan ng mga sinaunang tao sa
panahong prehistoriko.
5. Malaki ang naitulong nito sa mga sinaunang tao sa paghahanda ng kanilang makakain at
pagtaboy sa mga mababangis na hayop.
6. Dahil sa katangiang ito ng kabihasnan ay natutunan ng tao na bigyang solusyon ang mga
kinakaharap nilang suliranin sa kapaligiran.
7. Sinasabing sa gilid nito nagsimulang umusbong ang mga sinaunang kabihasnan sapagkat dito
nagmumula ang pangunahing pangangailangan ng mga tao.
8. Ito ay nagtataglay ng pamamahalaan, kultura, kalalakalan, at relihiyon
- ilog
may sistema ng pagtatala
may dalubhasang manggagawa
kabihasnan
- sibilisayson
bahay kubo
- dahon
- kuweba
- maunlad na kaisipan
- ароу