Panuto: Salungguhitan ang pang-uri sa pangungusap at isulat sa patlang kung pangngalan o panghalip ang tinuturingan nito. ________________ 1. Ang corona virus disease (COVID-19) ay isang nakahahawang sakit na dulot ng bagong corona virus. ________________ 2. Karamihan sa mga taong magkakaroon ng impeksyon ay makararanas ng hindi malalang sintomas at gagaling.
_________________3. Ang iba ay makararanas ng malubhang sakit, lalo na sa mga
matatandang tao.
_________________4. Hugasan nang madalas ang iyong dalawang kamay.
_________________5. Takpan ang iyong ubo at bahing ng malinis na panyo.
_________________6. Di natin alam kung sino ang may coronavirus. Kung may bisita,
maging magiliw ka sa kanila, ngunit kailangan pa ring dumistansiya.
_________________7. Iwasan ang matataong lugar.
_________________8. Alamin ang pinakabagong impormasyon tungkol sa COVID-19.