2. Pagtapos ng kaniyang klase sa hapon, niyaya si Rabiya ng kaniyang kaklase na manood ng sine at kumain sa isang mall. Bago magpasiya si Rabiya, naisip niya ang kanilang takdang-aralin. Kung sasama siya, gagabihin siya at mawawalan ng oras sa paggawa nito. Kung hindi siya sasama, mas marami siyang oras sa paggawa ng takdang-aralin. Sa anong panahon kumikilos ang konsensiya ni Rabiya?
A. Bago ang kilos
B. Habang isinasagawa ang kilos
C. Pagkatapos gawin ang kilos
D. Habang iniisip ang kilos
3. Naghanda ng kodigo si Jacqueline bago ang pagsusulit nila sa Matematika. Sa oras ng pagsusulit , nakaramdam siya ng pagkabalisa sa paggamit nito. Naisip niya na masama gumamit ng kodigo at mas mabuting maging tapat. Sa anong panahon kumikilos ang konsensiya ni Jacqueline?
A. Bago ang kilos
B. Habang isinasagawa ang kilos
C. Pagkatapos gawin ang kilos
D. Habang iniisip ang kilos