Tayahin Panuto: Unawaing mabuti ang bawat pahayag at bilugan ang titik ng iyong napiling sagot. 1. Bilang prodyuser, ano ang pinakabatayan sa paglikha ng produkto at serbisyo para sa pamilihan? A. Mataas na presyo ng produkto B. Pabago-bago na presyo sa pamilihan C. Mababa na demand ng mga mamimili D. Mataas na presyo ng mga hilaw na materyales 2. Ang pagtaas ng presyo ng mga salik ng produksyon ay nagreresulta ng mataas na presyo ng produkto at pagbaba ng demand nito. Bilang supplier, paano ito nakaaapekto sa iyong posibleng kita? A. Tataas ang kita dahil mataas ang presyo ng produkto. B. Bababa ang kita dahil sa krisis na nararanasan. C. Bababa ang kita dahil sa pagbaba ng demand. D. Wala sa mga nabanggit. 3. Ano ang mangyayari sa dami ng supply (QS) kung ang mga manggagawa sa pabrika ni Mary Joy ay dumaan sa masusing pagsasanay? A. dadami B. bababa C. mawawala D. hindi magbabago ring magkaroon ng pagsasanay