» Surtin
ng
Basahing mabuti ang ipinapahayag sa bawat pangungusap
upang labis pang maunawaan ang paksang ating tinalakay
Gawain I. Panuto: Isulat sa patlang bago ang bilang ang salitang TAMA kung
ang pahayag ay nagsasabi ng katotohanan. At kung mali, salungguhitan ang
salita sa pahayag na nagpapamali rito at isulat naman sa patlang ang salitang
magpapawasto nito.
1. Sa pagbuo ng makabuluhang tanong, hindi dapat maging maligoy ang
gagamiting mga salita bagkus direkta sa puntong nais ipahayag.
2. Mahalagang matutuhan ang kasanayan sa pakikinig dahil dito
nakakukuha tayo ng mga tsismis na magagamit sa pagkatuto.
-3. Ang balagtasan ay isang uri ng pagtatalo sa paraang pakanta tungkol
sa isang paksa
-4. Ang unang balagtasang itinanghal sa Pilipinas ay ang Bulaklak
Lahing kalinis-linisan.
5.
Pinakakaunti na ang limang kalahok na maaaring magtanghal ng
balagtasan sa isang entablado.
_6. Rosas ang uri ng bulaklak na pinag-aagawan nina Bubuyog at Paru-
paro sa balagtasang itinanghal nina Jose Corazon de Jesus at
Florentino Collantes.
-7. Ang mga tagapakinig ang magbibigay ng hatol kung sino sa mga
kalahok ang nanalo sa isinagawang balagtasan.
8. Ang pakikinig ay tumutukoy sa paraan ng pag-unawa sa sinasabi ng
taong kinakausap o nagsasalita.
9. Sa pakikinig ipinagbabawal ang pagtatala dahil maaaring hindi
makasunod sa sinasabi ng tagapagsalita.
10. Masasabing makabuluhan ang tanong kapag ito ay importante,
may saysay at kakwenta-kwenta.