Nagpapasaya at nagpapalungkot sa atin ang mga napapanahong balita
tungkol sa mga bata.
Kahapon, sa paaralan, pinag-usapan namin ang isang balita tungkol
sa isang batang lalaki na minaltrato ng kaniyang tiyahin. Sa kabutihang-
palad, nailigtas siya ng kaniyang mababait na kapitbahay na siyang
tumulong sa kaniya.
Ayon sa balita, ulila na ang bata. Matagal na panahong hindi siya
pinalabas ng bahay ng kaniyang tiyahin na dapat ay nag-aalaga sa kaniya.
Sabi ng tiyahin, dinidisiplina lang daw niya ang bata dahil malikot ito
at hindi sumusunod. Sabi ng mga awtoridad, ihahabla nila ang tiyahin na
nakakulong ngayon. Nasa pangangalaga ngayon ng Department of Social
Welfare and Development (DSWD) ang bata.
Noong isang araw, napanood ko sa telebisyon ang balita tungkol sa
pagligtas sa sampung bata mula sa ilegal na pagawaan ng mga paputok. Oo,
sampung bata na dapat nasa pangangalaga ng kanilang mga magulang.
Napakabata pa nila upang magtrabaho. Dapat masaya silang naglalaro,
dapat ginugugol nila ang kanilang oras sa pag-aaral, tulad ko. Hindi sila
dapat nagtatrabaho sa murang edad, lalo na sa isang hindi ligtas na lugar
tulad ng pagawaan ng paputok!
Batay sa ulat, mula sa Ormoc City at Zamboanga City ang mga bata,
dinala sila sa Maynila ng isang babaeng nagpakilalang si Ruth. Sabi ng mga
bata, binigyan daw ni Ruth ng pera ang kanilang mga magulang.
Pinangakuan din ang kanilang mga magulang na pag-aaralin sila habang
nagtatrabaho at titira sa isang disenteng bahay. Ngunit nang nasa Maynila
na, sa malamig na sementong sahig ng isang lumang gusali sila pinatutulog.
Walang unan o kumot maliban sa karton.
Iniimbestigahan na ngayon ang may-ari ng pagawaan. Hinahanap na
rin ng mga awtoridad ang recruiter.
Nangangamba sila na nasa probinsiya na siya at naghahanap na ulit
ng bagong mabibiktima. Nasa pangangalaga na ng DSWD ang nailigtas na
mga bata.
Sa simula ng sanaysay, naisulat ko na masaya at malungkot ang balita.
Masaya dahil nailigtas na ang mga bata sa kanilang kasawian. Patunay ito
4
bahay pagtupad tungkulin
masunuring gampanan pagmamalasakit
na malaki ang pagkakataong ang mga bata ay lumaking masaya dahil ang
mga bagay na dapat nilang matamasa ay mapapasakanila sa tulong ng mga
mabubuting tao sa kanilang paligid.
Oo, mapalad ang ilan sa atin dahil nakapag-aaral tayo, at mahal tayo
ng ating sariling pamilya. Mayroon tayong sapat na pagkain sa araw-araw.
Nakatutulog din tayo nang walang kinatatakutan. Ito ang mga karapatan ng
lahat ng bata. Dapat nating malaman ang ating mga karapatan at
mapangalagaan ito.
Mga Tanong:
1. Ano ang ginawa ni Ruth sa mga bata?
___________________________________________________________________________
2. Paano nakumbinsi ni Ruth ang mga bata?
___________________________________________________________________________
3. Anong ahensiya ang tumulong sa mga bata?
___________________________________________________________________________
4. Ano ang mga karapatang dapat makamit ng mga batang na recruit?
___________________________________________________________________________
5. Ano ang magandang aral sa kwento? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________________