Panuto: Salungguhitan ang pang-uri sa pangungusap at tukuyin ang
kayarian nito. Isulat ang titik P sa patlang kung ang pang-uri ay payak, M
kung ito ay maylapi, I kung ito ay inuulit, at T kung ito ay tambalan. Gawin
ito sa iyong sagutang kuwaderno.
1. _____ Ang gusaling iyon ay kasintaas ng bundok!
2. _____ Nakita ko sa labas ang pira-pirasong basahan.
3. _____ Nais niyang tumira sa payapang bayan.
4. _____ Abot-kaya na ngayon ang kaniyang mga paninda.
5. _____ Humingi ng tulong sa kaniyang kaibigan ang babaeng litong-lito.
6. _____ Nakahanda na ba ang mga dadalhin mo sa paaralan?
7. _____ Hindi nakikipag-away si Regina dahil siya ay pusong-mamon
8. _____ Totoo ang mga sinabi niya sa iyo.
9. _____ Malayong-malayo ang bayan ng San Felipe mula dito.
10. _____ Ang talento niya ay bukod-tangi kaya may mga humahanga sa kaniya.