Makakuha ng pinakamahusay na mga solusyon sa iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang mapagkakatiwalaang Q&A platform. Nagbibigay ang aming platform ng seamless na karanasan para sa paghahanap ng eksaktong sagot mula sa isang network ng mga bihasang propesyonal. Kumuha ng agarang at mapagkakatiwalaang mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga bihasang eksperto sa aming platform.

Bakit naging bahagi ang mga simbahan sa kasaysayan natin?​

Sagot :

Answer:

dahil kaylangan nating magdasal para patawarin ang kanilang mga kasalanan ng diyos

Explanation:

yan lang po sorry l hope help you thankyou in god bless

Answer:

Ang kasaysayan ng Simbahan ay maaaring maging isang mahalagang pinagmumulan ng pananampalataya, ngunit hindi ito nauunawaan o napapansin ng ilang tao. May ilang tao pa nga na sadyang iniiba ang mga kuwento ng nakaraan para lumikha ng pagdududa.

Sa pag-aaral ng mga mapagkakatiwalaang kasaysayan ng Simbahan, mabubuklod ang ating mga puso sa mga Banal noon at ngayon. Makikita natin ang halimbawa ng mga taong hindi perpekto tulad natin na sumulong nang may pananampalataya at nagtulot sa Diyos na kumilos sa pamamagitan nila para maisakatuparan ang Kanyang gawain. Ipinapangako ko na mapapalakas ng pag-aaral ng kasaysayan ng Simbahan ang inyong pananampalataya at hangaring ipamuhay nang mas lubusan ang ebanghelyo.

Ang kuwento tungkol sa Pagpapanumbalik ay kuwento tungkol sa sakripisyo, determinasyon, at pananampalataya. Lahat tayo ay bahagi ng Pagpapanumbalik at kasaysayan ng Simbahan. Bawat isa sa atin ay may misyon na isasakatuparan sa buhay na ito na tutulong sa ebanghelyo na punuin ang mundo. Habang natututuhan natin ang iba pa tungkol sa mga Banal noong araw, mapapalakas tayo sa pagtupad ng ating sariling misyon bilang anak ng Diyos.

Sa mahigit 24 na taon na nakapaglingkod ako bilang General Authority, ang hangarin ng mga Kapatid ay maging bukas at hayagan sa lahat hangga’t maaari, kapwa pagdating sa kasaysayan ng Simbahan at sa doktrina. Nadarama namin na ang pagsisikap na maglabas ng mga bagong resource—tulad ng The Joseph Smith Papers, Gospel Topics Essays, Church History Topics, at ngayon ng maraming tomo na Mga Banal1—ay isang napakagandang paraan ng paghikayat sa mga tao na pag-aralan ang mga bagay na ito sa konteksto na totoo at tutulong sa kanila na maunawaan ang ebanghelyo ni Jesucristo sa mapagkakatiwalaang paraan.

Isa sa aking mga paboritong salaysay sa Mga Banal ay ang kuwento ng pagpunta ni Addison Pratt sa South Pacific. Nakapagbinyag siya ng mga 60 tao. Ako at ang aking asawa na si Mary ay nagkaroon ng pagkakataong pumunta sa Austral Islands, French Polynesia kung saan nagturo si Addison Pratt.

Isa sa mga pinakapambihirang karanasan ko ay marinig ang isang kabataang babae roon na nagsabing, “Ikapitong henerasyon na ako ng mga miyembro ng Simbahan.” Bininyagan ni Addison Pratt ang kanyang malayong ninuno bago nagtungo ang mga Banal sa Utah.

Saanman kayo naroroon sa mundong ito, anumang lahi ang pinagmulan ninyo, kayo ay mahalaga, kayo ay bahagi ng kasaysayan ng Simbahan. Kailangang-kailangan namin kayo. Pagpapalain ninyo ang buhay ng mga tao.

Explanation: