ANG MAKAKASAGOT NG TANONG
AY IBOBOTO KONG BRAINLIEST
COMPLETE ANSWER
PAKIAYOS ANG SAGOT
Iba't-ibang pananaw sa Globalisasyon
Ang pagsisimula at paglaganap ng globalisasyon ay kinacavalooban ng iba ibang pananaw o perspektibo.
- Ayon kay NAYAN CHANDA (2007), ang globalisasyon ay nakauget a bawat isa sa kadahilanan na ang mga tao ay may mga paghahangad na magkaroon ng maayos at maginhawang pamumuhay na nagtutulak sa kanilang makipagugnayan
- Ayon naman kay JOHN AART SCHOLTE (2005), ang globalisasyon ay maituturing na isang matatag siklo ng pagbabago na nagsimulang umusbong noong mga nakaraang taon at patuloy na lumalaganap sa kasalukuyang panahon na nagtataglay lamang ng ibang anyo o mas mabas na antas.
- Para naman kay GORAN THERBORN (2005), ito ay may tiyak na simula na makikitang nakapaloob sa anim na wave. Ayon sa kanya, ang unang tiyak na simula ng globalisasyon ay naganap noong ika-4 hanggang ika-5 siglo kung saan nagkaroon ng pagkalat ng relihiyong Kristiyanismo at Islam sa daigdig. Makikita rin ang tiyak na simula nito sa pananakop ng mga Europeo noong huling bahagi ng ika-15 siglo na itinuturing na ikalawang wave Nagkaroon din ng digmaan sa pagitan ng mga bansa sa Europa noong huling bahagi ng ika-18 siglo hanggang sa unang bahagi ng ika-19 na siglo na maituturing na ikatlong wave na nagbigay daan sa globalisasyon. Tinitingnan din ang paglaganap ng imperyalismong Kanluranin bilang ikaapat na wave ng globalisasyon na naganap noong gitnang bahagi ng ika-19 na siglo hanggang 1918. Ang pag-usbong ng dalawang ideolohiya na kapitalismo at komunismo sa daigdig ay nakapaloob naman sa ikalimang wave. Sa huli ang pananaig ng kapitalismo sa daigdig ang itinuturing na ikaanim na wave na nagbigay daan sa globalisasyon