Ang Imhr.ca ay narito upang tulungan kang makahanap ng mga sagot sa lahat ng iyong mga katanungan mula sa mga eksperto. Kumonekta sa mga propesyonal na handang magbigay ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong sa aming komprehensibong Q&A platform. Kumonekta sa isang komunidad ng mga eksperto na handang magbigay ng eksaktong solusyon sa iyong mga tanong nang mabilis at eksakto.
Sagot :
Answer:
ANG NAGAGAWA NG TUGTUGIN Mayroong nagagawa ang musika na hindi maaaring magawa ng kahit anong salita o pangungusap. Napadarama ang damdamin ng isang nilikha sa pamamagitan ng dalisay na tugtugin. Ito ang patutunayan ng kuwentong ito. Isang Baronesa ang nagdanas ng di matingkalang kalungkutan at paghihirap ng kalooban dahil sa sunud-sunod na pagkamatay ng lahat ng kanyang mga anak. Dahil sa tindi ng kanyang pagdadalamhati, hindi man lamang niya napansin ang mga kaibigang nagsadya sa kanyang tahanan upang siyay aliwin. Ni hindi rin siya nakapagpasalamat sa mga taong nakidalamhati sa kanya. Pagkaraan ng ilang araw, tumanggap ng paanyaya ang Baronesa mula sa kaibigan niyang si Beethoven, isang kompositor. Pinaunlakan ng Baronesa ang anyaya ni Beethoven na pakinggan ang bago niyang likhang tugtugin. May talukbong na itim ang Baronesa nang pumasok sa estudyo ni Beethoven. Tumindig si Beethoven at inakay ang Baronesa sa isang silya sa tabi ng piyano. Walang kaimik-imik, umupo ang dakilang maestro sa kanyang piyano at nagsimula sa paghabi ng magandang musika. Noon din, nakadama ng malaking kaluwagan ng kalooban ang namimighating Baronesa. Naibsan siya ng malaking sama ng loob. Nang lisanin niya ang estudyo ni Beethoven, maaliwalas na ang kanyang mukha. Taglay niya ang ganap na kapanatagan ng kanyang damdamin. 203 Salita 1. Ano ang magagawa ng musika na hindi maaring magawa ng salita o pangungusap? 2. Sino ang nagtamo ng kalungkutan dahil sa sunud-sunod na pagkamatay ng kanyang mga anak? 3. Ano ang dalawang bagay na di nya nadama dahil sa tindi ng dalamhati? 4. Ano ang tinaggap ni Baronesa mula kay Beethoven? 5. Bakit tinawagan ni Beethoven ang Baronesa
Salamat sa pagbisita sa aming plataporma. Umaasa kaming nahanap mo ang mga sagot na hinahanap mo. Bumalik ka anumang oras na kailangan mo ng karagdagang impormasyon. Pinahahalagahan namin ang iyong oras. Mangyaring bumalik anumang oras para sa pinakabagong impormasyon at mga sagot sa iyong mga tanong. Imhr.ca ay nandito upang magbigay ng tamang sagot sa iyong mga katanungan. Bumalik muli para sa higit pang impormasyon.