I. TAMA O MALI. Isulat ang sagot sa kalapit ng bawat bilang. ( see p. 15)
1. Ayon sa nilalaman ng Batas Tydings-McDuffie, upang ihanda ang bansa sa pagsasarili sa 1946, itinakda ang sampung taong panahon ng transisyon ng malasariling pamahalaan na tinawag na Pamahalaang Komonwelt.
_2.Layunin ng pamahalaang ito na masubok ang kakayahan ng mga Pilipino sa pangangasiwa ng sariling pamahalaan.
3. Maaari nang magsarili ang mga Pilipino kung mapayapa na ang bansa at matatag na ang pamahalaan.
4. Noong Setyembre 17, 1935, naganap ang pambansang halalan upang maghalal ang mga Pilipino ng mga bagong pinuno.
5. Ang pamahalaang Komonwelt ay nahahati sa tatlong sangay, ang ehekutibo, lehislatibo, at hudisyal. 6. Inilunsad ang Katarungang Panlipunan upang mabigyan ng pantay na karapatan ang mga Pilipino at mapangalagaan ang kanilang kapakanan.