4. Ano ang inaasahang maitataguyod ng pagsali sa mga samahan bilang
paglilingkod sa kapwa at sa kabutihang panlahat?
A. hanapbuhay
B. kultura
C. libangan
D. pagtutulungan
5. Aling aspekto ng pagkatao ang higit na napauunlad sa pamamagitan ng
paghahanapbuhay?
A. panlipunan C. pampolitikal
B. pangkabuhayan D. pang-intelektwal
6. Ano ang nalilinang sa isang tao ng kaniyang pakikiisa at pakikibahagi sa
mga samahan?
A. kusa at pananagutan
B. sipag at tiyaga
C. talino at kakayahan
D. tungkulin at karapatan
7. Nagiging kahinaan ng mga Pilipino ang pakikipagkapwa dahil sa ________
A. kakayahan nilang umunawa sa damdamin ng iba.
B. kakayahan nilang makiramdam.
C. kanilang pagtanaw ng utang na loob.
D. kanilang pagiging emosyonal sa pakikisangkot.
8. Ano ang nakahahadlang sa makabuluhang pakikipag-ugnayan sa kapwa?
A. Kakayahan ng taong makibahagi sa mga gawaing panlipunan.
B. Kakayahang tugunan ang pangangailangan ng kapwa.
C. Pagkilala sa sarili na mas matalino kaysa sa iba.
D. Pagkikitungo sa iba sa paraang na nanaisin mo.
9. Ang sumusunod na pahayag ay totoo tungkol sa diyalogo, maliban sa:
A. Umiiral ang diyalogo sa sariling pagsasaliksik ng kasanayan.
B. Naipahahayag ng tao sa kaniyang kapwa ang tunay na pagkalinga.
C. Nagkakaroon ng pagkakataon ang taong makipag-ugnayan sa kapwa
D. Naipakikita ang kakayahang makipag-diyalogo sa pamamagitan ng wika.
10. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng mabuting pakikipag-
ugnayan sa kapwa?
A. “Bakit ba nahuli ka na naman?”
B. “Tatlumpung minuto na akong naghihintay sa iyo.”
C. “Sana sa susunod hindi ka na huli sa usapan natin.”
D. “Pilit kong inuunawa kung bakit ka nahuli, pero sana umalis ka ng bahay
nang mas maaga.”
11. Anong pagpapahalaga ang taglay mo kung ikaw ay naglilingkod nang
walang hinihintay na kapalit at handang ibahagi ang sarili mo sa iba?
A. pakikiisa at pakikinig
B. katarungan at paggalang
C. pagkalinga at pagbibigay
D. pagmamalasakit at pagmamahal
12. Ano ang naidudulot sa isang taong may makabuluhan at mabuting
pakikipag-ugnayan sa kapwa?
A. Inggit at pangamba
B. Takot at pagkabalisa
C. Bukas at may sensiridad
D. kaligayahan at kapanatagan
13. Alin sa mga sumusunod ang hindi nararapat gawin upang maiwasan ang
mga hindi magandang karanasan sa pakikipagkapwa?
A. Maging handa sa dayalogo.
B. Makinig ng mabuti sa kausap.
C. Magkimkim ng tunay na nararamdaman.
D. Gumamit ng mga epektibong kasanayan sa pakikipag-usap.
14. Alin sa mga sumusunod ang dalawang birtud na magpapatatag ng
pakikipagkapwa?
A. kayabangan at inggit
B. paggalang at pakikiisa
C. katarungan at pagmamahal
D. komunikasyon at pagtutulungan
15. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapahayag ng kahalagahan ng
pagsali sa mga samahan sa ikauunlad ng pakikipagkapwa?
a. Natutugunan ang ibang mahalagang pangangailangan ng kapwa.
b. Nabibigyang halaga ang pansariling damdamin at pangangailangan.
c. Nalilinang ang pagkakaroon ng sariling kusa at pananagutan sa kapwa.
d. Natutulungan ang ibang kasapi na mapanumbalik ang maayos na samahan
kung may alitan.