Gawain B: MARAMIHANG PAGPIPILIAN 1. Alin sa sumusunod na paglalarawan ang nagpapakita ng mataas na pagkilala sa sinaunang kababaihang Asyano?
A. Sila ay itinuturing na mga babaylan at diyosa
B. Sila ay nagsagawa ng suttee
C. Sila ay nagsagawa ng footbinding
D. Sila ay nangunguna sa transaksyong pananalapi
2. Ang sumusunod na impormasyon ay naglalarawan ng mababang kalagayan ng kababaihan sa mga relihiyon at pilosopiya sa Asya MALIBAN SA ISA;
A. Tinitingnan ang mga babae na nagbabawas ng kaban ng pamilya
B. Ang asawang babae ay kakain lamang pagkatapos kumain ang asawa
C. Mas mataas ang pagpapahalaga sa anak na lalaki kaysa babae
D. Isa sa tradisyunal na tungkulin ng mga babae sa Asya ay ang maging isang mabuting ina at asawa
3. Bakit naging mahalaga sa China ang pagpasok ng Ika-20 siglo?
A. Dahil mas naging makapangyarihan ang mga babae kaysa lalaki
B. Dahil itinuring na pantay ang lalaki at babae
C. Dahil itinigil na ang pagsasagawa ng footbinding sa mga kalalakihan
D. Dahil ang mga kababaihan ay itinuring na magaling na lider sa lipunan kumpara sa mga lalaki
4. Sa tradisyunal na papel ng mga babae sa Asya, alin sa sumusunod na impormasyon ang itinuturing na dapat iisa lamang ang maaaring tunguhin ng mga kababaihan?
A. Maging isang mabuting pinuno ng lipunan
B. Maging isang asawa at ina
C. Maging isang magaling na lider ispirituwal
D. Maging isang magaling na mangangalakal
5. Bilang isang mag-aaral, paano mo pahahalagahan ang karapatan ng mga kababaihan?
1. Igagalang ko ang opinion o desisyon ng kapwa ko mag-aaral
2. Magiging bahagi ako sa pagsulong ng pantay na karapatan ng mga babae at lalaki
3. Hindi ako magiging bahagi ng mga gawain na ikasisira ng mga kababaihan
4. Patuloy kung kikilalanin ang kagalingan ng mga kababaihan
A. 1,2,3,4
B. 1,2,3
C. 1,3,4
D. 2,3,4