A. AFRICA
B. MESOAMERICA
C. MGA PULO SA PACIFIC
1. Sa pamumuno ni Manco Capac, bumuo sila ng maliliit na lungsod-estado at unti-unting pinalawak ang kanilang teritoryo hanggang sa masakop nila ang kahabaan ng Dagat Pasipiko.
2. May mga batas na sinusunod ang mga Polynesian upang hindi mawala o mabawasan ang mana. Kamatay ang pinakamabigat na parusang igagawad sa matinding paglabag sa tapu o mga prohibisyon.
3. Nagresulta ng malawakang kalakalan ng kaharian ng Axum ang pagtanggap nito ng relihiyong Kristiyanismo.
4. Katuwang ng mga pinuno ang mga kaparian sa pamahalaan sa lipunan ng Mayan.
5. Sumibol ang Ghana bilang isang malakas na estado dulot ng lokasyon nito sa timog na dulo ng kalakalang Trans-Sahara.
6. Sa ilalim ng pamumuno ni Haring Sunni Ali, naging isang malaking imperyo ang Songhai. Hindi niya tinanggap ang Islam sapagkat naniniwala siyang sapat na ang kaniyang kapangyarihan at suporta sa kaniya ng mga katutubong mangingisda at magsasaka.
7. Naniniwala sa animism ang mga Melanesian. Ipinababatid ng kanilang diyos ng kalikasan ang mga kaganapan tulad ng tagumpay sa labanan, mga sakuna, kamatayan, o pag-unlad ng kanilang kabuhayan.
8. Yumaman ang Imperyong Mali sa pamamagitan ng kalakalan. Nagpatayo si Mansa Musa ng mga mosque at hinikayat ang mga iskolar na pumunta sa Mali.
9. Mula sa maliliit na pamayanang agrikultural, pinaunlad ng mga Aztec ang kanilang kabihasnan at nagtatag ng
sariling imperyo.
10. Ang mga sinaunang pamayanan sa Micronesia ay matatagpuan malapit sa mga lawa o dagat-dagatan upang mapadali ang kanilang paglabas at paglayag sa karagatan.