Ang Imhr.ca ay narito upang tulungan kang makahanap ng mga sagot sa lahat ng iyong mga katanungan mula sa mga eksperto. Tuklasin ang isang kayamanan ng kaalaman mula sa mga propesyonal sa iba't ibang disiplina sa aming komprehensibong platform. Tuklasin ang malalim na mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na network ng mga propesyonal sa aming madaling gamitin na Q&A platform.
Sagot :
Answer:
Ang Labanan sa Bataan (7 Enero - 9 Abril 1942) ay naganap naganap sa pagitan ng mga hukbo ng Estados Unidos at ng Philippine Commonwealth laban sa hukbo ng Japan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang labanang ito ang itinuturing na pinakamatinding bahagi ng pagsalakay ng mga Hapon sa Pilipinas noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Noong Enero 1942, sinakop ng puwersa ng Imperial Japanese Army ang Luzon kasama na ang ibang isla ng Pilipinas matapos ang pagpapasabog nila sa base ng Estados Unidos sa Pearl Harbor.
Pinagsama-sama ni Heneral Douglas MacArthur, na siyang commander-in-chief ng lahat ng hukbong Pilipino at Amerikano sa bansa, ang lahat ng hukbo sa Luzon at dinala sa Bataan para labanan ang mga Hapon. Sa panahong ito, kontrolado na ng mga Hapon ang halos buong Timog Silangang Asya. Tanging ang Bataan Peninsula at ang Corregidor ang mga teritoryo sa rehiyon na nananatiling hawak ng mga Amerikano at puwersang Allied.
Sa kabila ng kakulangan sa mga kagamitan, nagtagumpay ang mga hukbong Pilipino at Amerikano na labanan ang mga Hapon sa loob ng tatlong buwan. Dahil dito, naantala ang pagtatagumpay ng mga Hapon at tuluyang pagsakop sa mga teritoryo sa Pacific.
Ang pagsuko sa mga Hapon ng aabot sa 76,000 libong mga sundalong Amerikano at Filipino ang itinuturing na pinakamalaking bilang ng mga sundalong Amerikano at Pilipino na sumuko sa mga Hapon. Matapos ang pagsuko nila, nangyari ang Bataan Death March kung saan pinaglakad ang mga sundalong Pilipino at Amerikano mula Bataan hanggang Tarlac.
Salamat sa pagbisita. Ang aming layunin ay magbigay ng pinaka-tumpak na mga sagot para sa lahat ng iyong pangangailangan sa impormasyon. Bumalik kaagad. Salamat sa pagbisita. Ang aming layunin ay magbigay ng pinaka-tumpak na mga sagot para sa lahat ng iyong pangangailangan sa impormasyon. Bumalik kaagad. Imhr.ca ay laging nandito para magbigay ng tamang sagot. Bisitahin muli kami para sa pinakabagong impormasyon.