Tuklasin ang mga sagot sa iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang pinaka-mapagkakatiwalaang Q&A platform para sa lahat ng iyong pangangailangan. Tuklasin ang libu-libong tanong at sagot mula sa isang komunidad ng mga eksperto na handang tumulong sa iyo. Kumuha ng agarang at mapagkakatiwalaang mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga bihasang eksperto sa aming platform.

D Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:

Ilahad ang mga gagawin mo aa mga sumusunod na isyung pangkalusugan sa pagpasok mo sa puberty stage Isulat ang iyong sagot sa iyong kuwaderno.


1. madalas ngunit paunti-unting pagkain

2. isyu sa pagbabago-bago ng isip at damdamin

3. suliranin na may kinalaman sa pag-aalaga ng katawan

4. suliranin na may kinalaman sa pagreregla o pagpapatul

5. suliranin tungkol sa mga alalahanin an ngipin

6. suliranin tungkol sa kakulangan o hindi sapat na tulog


pwede short answers :)​

Sagot :

Answer:

Unang sitwasyon: Ang pagiging madalas na paunti-unti ang aking pagkain

Sagot: Ang gagawin ko ay maaari akong uminom ng vitamins upang maibalik mula sa dati ang sigla ko sa pagkain. Tutulungan ko ang aking sarili na mag-isip na mga dapat gawin may kaugnayan sa tamang paraan ng pagkain.  

Ikalawang siwasyon: May kaugnayan sa pagbabago ng aking isip at damdamin

Sagot: Hihingi ako ng tulong at payo sa aking mga magulang sapagkat sila ay mas makaranasan. Isa pa, maaari akong magbasa o manood ng mga paksa may kaugnayan rito upang makapagsaliksik ako ng paraan upang maunawaan ko ito. At ang pinakamahalaga sa lahat na gagawin ko ay ang pananalangin sa Diyos.  

Ikatlong sitwasyon: Ang suliranin may kaugnayan sa pag-aalaga at pag-iingat sa aking katawan

Sagot: Ang gagawin ko ay pagkain ng masusustansiyang pagkain at pag-inom ng maraming tubig. Kasabay nito ay maaari akong mag-ehersisyo para makatulong sa katawan ko na maging malakas at malusog. Isa pa, kailangan rin ang kalinisan o ang tinatawag na proper hygiene sa sarili.  

Ikaapat na sitwasyon: Ang suliranin may kaugnayan sa pagreregla o pagtutuli

Sagot: Maaari itong dumating sa mga bata na patungo sa puberty stage sapagkat ito na yung tamang edad. Ang gagawin ko sa bagay na ito ay magiging maingat at malinis sa katawan ko nang sa gayon ay madala ko ito sa pagtanda ko. Gayundin, kakain ako ng mga pagkain na makakatulong sa panahon ng pagreregla at bawasan ang mga hindi dapat kainin.

Ikalimang sitwasyon: Ang suliranin may kaugnayan sa alalahanin sa aking ngipin

Sagot: Laging magsisipilyo at limitahan ang pagkain ng mga matatamis na pagkain tulad ng kendi at maging mga inumin tulad ng softdrinks. O kaya kung maaari sa kalagayan ay pumunta sa dentista para mapatingnan ang kalagayan ng ngipin.  

Ikaanim na sitwasyon: Ang suliranin may kaugnayan sa kakulangan o hindi pagiging sapat ng tulog

Sagot: Pag-inom ng gatas bago matulog dahil malaking bagay ito. O kaya maaaring humiga ng maaga para makapagpahinga at makatulog agad. Iwasan ang pagbukas ng cellphone kapag nakahiga na sa kama dahil nagiging sanhi ito ng pagpupuyat.  

Explanation:

sorry po kung long answer hope it help pa brainleist po kailangan ko po e