Basahin ang sitwasyon at sabihin kung anong damdamin mayroon sa sumusunod na uri ng pagbibigay: Piliin ang titik ng tamang sagot A Napipilitan lamang magbigay B. Nagbigay nang bukal sa kalooban C. Nakikigaya sa ibang mga nagbibigay D. Nagbigay dahil nasa batas ng kanilang samahan E. Nagbigay dahil hindi na niya kailangan ang ipinamigay 11. May dumating na donasyon galing sa bansang China para sa mga nadapuan ng sakit na COVID-19. Ang nais ng mga Intsik ay sila ang mag-aabot sa mga biktima sapagkat may listahan sila ng bilang at pangalan ng mga bibigyan 12. Isang samahan ang nangalap ng pagkain, gamot, damit , at higaan para sa mga biktima ng pagsabog ng bulkan. Nagpunta sila sa pinaglikasan sa kanila. Nararamdaman nila ang paghihirap ng mga ito kaya't magkakaroon pa sila ng panibagong plano upang lalo pa silang matulungan. 13. Nakita ng mayaman mong kapitbahay na marami ang nagpapadala ng tulong sa kabarangay ninyong nasunugan dahil walang naisalbang anumang kagamitan ang mga ito. Inutusan niya ang kaniyang kasambahay na ilabas ang mga damit na sobrang luma na at ang mga de-latang malapit nang masira. 14. Nagbigay ng prutas at gulay ang pamilya ni Mang Igme sa mga pamilyang apektado ng ECQ. Nalaman ito ng ibang may kaya sa buhay kaya nagpadala rin sila ng tulong. 15. Isang samahan ang sumusuporta sa pag-aaral ng mga batang mahihirap at nagsusumikap sa pag-aaral. Tinutulungan nila ang mga ito sa abot ng kanilang makakaya.