Madalas mong marinig ang kapitbahay mong umiiyak at parang nagmamakaawa. May pagkakataon pang kahit gabing-gabi na ay naririnig mong nagkakalabugan sa kanilang bahay na sinusundan ng malalakas na sigawan. Gustong-gusto mong malaman kung ano ang nangyayari doon, ngunit natatakot ka namang makialam. Isang araw, nagpunta sa inyong bahay ay isang batang nakatira sa bahay na iyon. Nagsumbong ang bata sa iyo tungkol sa nangyayari sa kanila. Ipinagtapat ng bata na ang nagkakalabugan sa gabi ay ang nanay at tatay niya sapagkat binubugbog ng kanyang ama ang kanyang ina. Madalas raw lasing umuwi ang kanyang tatay at laging mainit ang ulo, kaya konting pagkakamali lang ng kanyang nanay ay nagagalit na ito at sinasaktan na ang asawa. Walang raw pinipiling oras ng pananakit ang kanyang tatay. Malupit raw talaga iyon at kung minsan kahit siya ay nakararanas din ng pananakit mula sa ama. Gustong-gusto raw ng kanyang nanay na umalis na ng bahay, ngunit ayaw pumayag ng kanyang tatay na maghiwalay sila. Madalas daw kinukulong ng tatay niya ang nanay niya sa kuwarto upang hindi makaalis. Gustong-gusto ng batang tulungan ang kanyang nanay na makatakas, ngunit hindi niya alam kung paano, kaya siya lumapit sa iyo upang matulungan siya. Ikaw ang pag-asa ng batang makatutulong sa kanya. Ano-anong maaari mong gawin upang matulungan siya? Maglahad ng tatlong gagawin mo sa pagkakataong ito. Lagyan mo ng maikling paliwanag kung bakit iyon ang iyong gagawin. (Tatlong puntos kada isang sagot na may paliwanag, ngunit isang puntos lamang kapag walang paliwanag.