PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
Panuto: oBasahin at sagutin ang mga sumusunod na tanong. Piliin ang titik
ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
1. Maituturing na matatag at may kakayahang umangkop sa anumang
hamon at sitwasyon ang mga Pilipino. Ito man ay maganda o hindi
dahil sa ating pagiging ____________.
A. Matipid C. Resilient
B. Matulungin D. Resistant
2. Dahil sa impluwensyang Kastila, labis na nagpapahalaga sa kanilang
tradisyon at maituturing na deboto ang mga ____________.
A. Bikolano C. Tagalog
B. Ilokano D. Taga-Visayas
3. Madalas naipapamalas ng mga Pilipino ang ugaling magiliw sa
pagtanggap ng mga bisita sa gawaing pangkabuhayang
_____________.
A. Pagmimina C. Pangangaso
B. Pagsasaka D. Turismo
4. Kilala sa pagiging matapang at magiting na mandirigma at
mananampalataya ng relihiyong Islam ang mga ____________.
A. Igorot C. Ilonggo
B. Muslim D. Waray
5. Dahil sa kanilang limitadong sakahang lupa ay higit na nakilalang
masipag at matipid ang mga ____________
A. Bikolano C. Kapampangan
B. Ilokano D. Samarnon