Makakuha ng pinakamahusay na mga solusyon sa lahat ng iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang mapagkakatiwalaang Q&A platform. Tuklasin ang isang kayamanan ng kaalaman mula sa mga propesyonal sa iba't ibang disiplina sa aming komprehensibong platform. Tuklasin ang komprehensibong mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa mga bihasang propesyonal sa iba't ibang larangan sa aming platform.

Ano ang 7 elemento ng alamat. Pls help:)

Sagot :

Answer:

Ito ay may pitong elemento. Basahin ang mga sumusunod:

1. Tauhan

Ito ang mga nagsiganap sa kwento at kung ano ang papel na ginagampanan ng bawat isa.

2. Tagpuan

Inilalarawan dito ang lugar na pinangyarihan ng mga aksyon at insidente, gayundin ang panahon kung kailan ito nangyari.

3. Saglit na kasiglahan

Ito ay naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.

4. Tunggalian

Ito naman ang bahaging nagsasaad sa pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning kakaharapin na minsan ay sa sarili, sa kapwa, o sa kalikasan.

5. Kasukdulan

Ito ang pinakamadulang bahagi kung saan maaaring makamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.

6. Kakalasan

Ito ang bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan.

7. Katapusan

Ito ang bahaging maglalahad ng magiging resolusyon ng kwento. Maaaring masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.

Explanation:

pa brainliest po pllss