Makakuha ng mabilis at tumpak na mga sagot sa iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang pinakamahusay na Q&A platform. Sumali sa aming Q&A platform upang kumonekta sa mga eksperto na dedikado sa pagbibigay ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong sa iba't ibang larangan. Kumuha ng detalyado at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga eksperto na dedikado sa pagbibigay ng tamang impormasyon.

Gawain: Tula-Suri
Panuto: Basahin at unawain ang tula. Pagkatapos ay sagutan ang mga tanong sa
sagutang papel.
Panahong Medieval
ni: Maria Vanessa J. Resullar
Barbarong Goth ay lumusob
Imperyong Roman ay pinataob
Mga bayan ay sinalakay
Maraming buhay ang nawalan ng saysay
Mga Europeong takot
Simbahan ang naging sagot
Institusyong pag-asa ang alay
Sa mga taong lublob sa buhay.
Banal na Imperyong Roman
Bumuhay sa imperyo sa kanluran
Unang nanungkulan mula sa dinastiyang Carolingian
Charlemagne ang kanyang ngalan
Na kinoronahan ng Papa ng Simbahan
Ngunit sa kanyang kamatayan
Humalili sa trono'y di nakayanan pananalakay ng kalaban
Dulot ay paghina ng Banal na Imperyong Roman.
Mga mamamayan ay nabagabag
Sistemang Piyudalismo't Manoyalismo ay naitatag
Mga kabalyero'y nakipaglaban sa mga kaaway
Upang maging ligtas at maayos ang buhay.
Sila din ay nakidigma sa mga Muslim
upang bawiin ang Banal na Lupain.
Pamprosesong mga Tanong:
1.Tungkol saan ang tula?2.ano anong impormasyon ang iyong makukuha sa tula?3.anong impormasyon ang tumatak sa iyong isipan?bakit?​

Sagot :

Answer:

1.Ipinapahiwatig ng tula aytungkol sa mga naganap na mga pangyayri sa Europe noong Gitnang panahon.

2.Ang mga impormasyong makukuha sa tula ay tungkol sa pagbagsak ng barbaro, ang naging gampanin ng Imperyong Roman sa kamay ng mga simbahan, tungkol sa unang pinuno ng Banal na Imperyong Roman na si Charlemagne, pagkakatatag ng piyudalismo at manoryalismo.

3.Katulad ng pananalakay ng barbarong both sa imperyong Roman, ang Pilipinas lalo na sa Marawi City ay nakaranas ng pananalakay ng mga hinihinalang terorista na may kaugnayan sa Islamic State of Iraq and Syria pananakop, (ISIL) Ngunit hindi tulad ng mga Goth na naging matagumpay ang ang mga hinihinalang ISIS ay buong pwersang hinarap ng hukbong militar ng Pilipinas hanggang sa ito ay natalo.

pa brainliest po pa rate ✨