Gawin Natin Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa iyong sagutang papel. 1. Biglang dumating ang aking tatay mula sa ibang bansa kaya ang saya-saya ko. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit? A malabo C. daglian B. matagal D. hinay-hinay 2. Ang paborito kong asignatura ay Filipino kaya natutuwa ako kapag darating na sa aming silid-aralan ang aking guro. Ano ang parehong kahulugan ng salitang paborito? A kinaiinisan C. kinagigiliwan B. kinatatakutan D. kinasusuyaan 3. Maraming natutuwa sa isang batang may ugaling kalugod-lugod. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit? A. istrikto C. suplada B. makulit D. kaaya-aya 4. Walang humpay ang kaniyang pag-iyak nang nalaman niyang pumanaw na ang kaniyang pinakamamahal na lola. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit? A. walang tigil C. tahimik B. walang kibot D. maingay 5. Nais kong umuwi sa probinsiya dahil ang simoy ng hangin sa tabing- dagat ay nakagiginhawang langhapin. Ano ang parehong kahulugan ng salitang may salungguhit? A. singhutin C. damahin B. lasahan D. yakapin