Ang Piknik ng Mag-anak
Sariling katha ni: Ma. Teresa G. Mate
Napakasaya ng pamilya Villa Papunta sila ngayon sa tabing-dagat upang magpiknik. Ito
kasi ang unang pagkakataon na lumabas sila. Tuwing Linggo pagkatapos magsimba ay lagi na
lang sa mall ang punta nila pero ngayon ay iba na.
Sa loob ng sasakyan ay tuwang-tuwa na pinagmamasdan ng magkapatid ang paligid
Maya-maya pa'y huminto na ang sasakyan sa tapat ng dalampasigan. Sabik na bumaba ang
magkapatid, bitbit ang basket ng mga inumin at pagkain. Dinala rin nila ang kani-kanilang gamit
cellphone, tablet, music player at iba pa.
"Bawal muna ang gadgets sa piknik. Itabi muna ang mga yan at magdisconnect sa
internet,
utos ng kanilang nanay. "Mga anak, ito ang panahon upang tayo'y magsuya at
damahin ang kalikasan," paliwanag ng kanilang tatay. Lumaylay ang balikat ng magkapatid sa
panghihinayang ngunit sumunod din sila sa kanilang mga magulang.
Ilang saglit pa'y narating na nila ang tabing-dagat. Napahanga sila sa kagandahan nito.
Kinuha ni Nico ang pamingwit, habang si Mica ay nawiwili sa pamumulot ng iba't ibang uri ng
kabibe. Samantalang masiglang naglatag ng sapin ang tatay. Habang ang nanay ay magiliw na
naghanda ng baon nilang pagkain.
Kay saya ng pamilya Villa pakiwari nila sila at ang dagat ay
magkakaugnay. Kung minsan, masarap ding mag-disconnect sa internet upang maiwasan ang
pagtatampo ng inang kalikasan
Tagpuan
Paglalarawan
1.
2.
3.