1. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng wastong pahayag tungkol sa Batas ng
Demand at Suplay?
A. ↑P , ↑Qd , ↓Qs
C. ↓P , ↓Qd , ↑Qs
B. ↑P , ↓Qd , ↑Qs
D. ↓P , ↑Qd , ↑Qs
Para sa bilang 2-4
Dami
2. Ano ang ipinapahiwatig ng puntong P?
A. Surplus B. Shortage C. Ekwilibriyo D. Presyo
3. Ang graph sa itaas ay nagpapakita ng kakulangan, kalabisan at ekilibriyo. Batay sa
graph, sa anong presyo at dami nagkaroon ng kakulangan?
A. sa presyong 5.00 at sa dami ng D =15, S =25
B. sa presyong 4.00 at sa dami ng D =20, S =20
C. sa presyong 2.00 at sa dami ng D =10, S =30 D. sa presyong 2.00 at sa dami
ng D =30, S =10
4. Ang pamilihan ay maaaring makaranas ng kalabisan. Alin sa graph sa itaas ang
nagpapahiwatig nito?
A. ang quantity demanded ay 15 at ang quantity supplied ay 25
B. ang quantity demanded ay 30 at ang quantity supplied ay 10
C. ang quantity demanded ay 25 at ang quantity supplied ay 15
D. ang quantity demanded ay 20 at ang quantity supplied ay 20
5. Si Mang Kanor ay isang tindero ng taho. Kadalasan ay kumikita siya ng malaki
ngunit nang magkaroon ng pandemya ay humina ang kaniyang benta. Alin sa mga
pagbabago ng pamilihan ang nagaganap?
A. Paglipat ng kurba ng demand pakaliwa subalit walang pagbabago sa kurba ng
suplay
B. Paglipat ng kurba ng demand pakanan subalit walang pagbabago sa kurba ng
suplay
C. Paglipat ng kurba ng suplay pakaliwa subalit walang pagbabago sa kurba ng
demand
D. paglipat ng kurba ng suplay pakanan subalit walang pagbabago sa kurba ng
demand
6. Gaano kahalaga ang ekilibriyo sa pamilihan?
A. Nagiging matatag ang pamilihan dahil pantay ang dami ng demand at suplay
sa isang takdang presyo
B. Nagsilbi itong gabay sa mga prodyuser at konsyumer
C. Nagpakita ito ng kalagayan ng kakulangan at kalabisan sa pamilihan
D. Nagbigay-kaalaman tungkol sa balanseng dami ng demand at suplay sa
iba’tibang presyo
7. Nang magsimula ang pandemya, isa sa mga health protocol ay ang pagsuot ng
facemask. Tumaas ang pangangailangan ng mga tao at kasabay nito ay ang pagtaas
ng presyo. Ang pangyayaring ito ay nagpapahiwatig ng _______________,
A. pagtaas ng supply walang pagbabago sa demand
B. pagtaas ng demand walang pagbabago sa supply
C. pagtaas ng demand at pagtaas ng supply
D. pagbaba ng demand at pagbaba ng supply
8. Ang tawag sa hindi pantay na dami ng demand at supply sa pamilihan ay
disekwilibriyo. Paano ito magiging pantay o balanse?
A. sa pamamagitan ng pagtaas ng demand
B. sa pamamagitan ng isang pagpupulong ng prodyuser at konsyumer
C. sa pamamagitan ng pagbawas ng mga supply
D. sa pamamagitan ng napagkasunduang presyo
9. Sa pagkakataon na tumaas ang supply ngunit ang demand ay walang pagbabago,
bababa ang presyo nito. Bakit?
A. upang mahikayat na bumili ang tao at tumaas ang demand nito
B. upang tumaas ang kita ng prodyuser
C. upang magkaroon ng pagkilos sa pamilihan
D. upang maiwasan ang kakulangan
10. Ano ang tawag sa hindi balanseng supply at demand sa isang pamilihan? A.
kalabisan B. kakulangan C. ekilibriyo D. disekwilibriyo