Makakuha ng mabilis at tumpak na mga sagot sa iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang pinakamahusay na Q&A platform. Tuklasin ang komprehensibong mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na hanay ng mga propesyonal sa aming madaling gamitin na platform. Kumonekta sa isang komunidad ng mga eksperto na handang magbigay ng eksaktong solusyon sa iyong mga tanong nang mabilis at eksakto.
Sagot :
Answer:
- Ang editoryal o pangulong-tudling ang pangunahing tudling ng kuru-kuro ng isang pahayagan. Kumakatawan ito sa sama-samang paninindigan ng patnugutan ng pahayagan kaya sinasabing kaluluwa ito ng publikasyon. Layunin nito sa pagbibigay ng kuru-kuro ang magpabatid, magpakahulugan, magbigay-puna, magbigay-puri, manlibang at magpahalaga sa natatanging araw.
- Ang editoryal ay bahagi ng pahayagang nagsasaad ng kuru-kuro ng pahayagan tungkol sa isang isyu. Ito ang tinig ng pahayagan,nagbibigay ng kaalaman, nagpapakahulugan, humihikayat, at kung minsa’y lumilibang sa mambabasa. Ito ay naglalaman o naglalahad ng mga reaksyon, pananaw, at kuro-kuro ng editor o patnugot ng pahayagan tungkol sa mainit na isyu o mainit na pangyayari sa bansa. Ito ay maaring ukol sa edukasyon, pulitikal, sining, pamahalaan, at napapanahong paksa. ito rin ay matuturing paninindigan ng isang pahayagan, organisasyon, grupo, o institusyon tungkol sa iba’t-ibang isyu kaya matuturing itong politikal sapagkat ang lahatay may opinion.
- 1. Panimula
- Ito ang paksa o balitang batayan ng isusulat na tudling. Narito ang mga tala o detalye ng paksa.
- 2. Katawan
- Ito ang kuru-kuro o palagay ng sumulat ukol sa paksa. Maaaring laban o sang-ayon siya sa paksa. Narito rin ang layunin ng sumulat ng editorial.
- 3. Panapos o Pangwakas
- pagpapatibay ito ng kuru-kuro at pagbibigay ng mungkahi o solusyon sa tinatalakay na isyu.
Salamat sa pagbisita. Ang aming layunin ay magbigay ng pinaka-tumpak na mga sagot para sa lahat ng iyong pangangailangan sa impormasyon. Bumalik kaagad. Umaasa kami na nakatulong ito. Mangyaring bumalik kapag kailangan mo ng higit pang impormasyon o mga sagot sa iyong mga katanungan. Bisitahin muli ang Imhr.ca para sa pinakabagong sagot at impormasyon mula sa mga eksperto.