Buod ng Maragtas (Epikong Bisayas) Ang Borneo noon ay nasa pamumuno ng isang malupit at masamang sultan na si Sultan Makatunao. Kinamkam niya ang lahat ng yaman ng nasasakupan. Kanya ring pinupugayan ng dangal ang mga babae, pati ang mga asawa at anak na dalaga ng mga datu na nasa ilalim niya. Isang araw, si Pabulanan, ang asawa ni Datu Paiborong, ang nais halayin at angkinin ng masamang sultan. Nalaman ni Datu Paiborong ang tangka ni Sultan Makatunao. Nagbalak ang magigiting na datu na manlaban kay Sultan Makatunao. Nag-usap-usap silang palihim. Naisipan rin nilang humingi ng tulong kay Datu Sumakwel. Si Sumakwel ay mabait, magalang at matalino. Alam niya ang kasaysayan ng maraming bansa at marami siyang alam kung tungkol sa paglalayag. Dinalaw ni Datu Paiborong at ni Datu Bangkaya si Sumakwel. Ipinagtapat ng dalawa ang paglaban na nais nilang gawin. Ayaw ni Sumakwel sa balak na paglaban. Pinuntahan ni Sumakwel si Datu Puti. Si Datu Puti ay punong ministro ni Makatunao. Sinabi ni Sumakwel ang suliranin ng mga datu at ang balak na paglaban. Ipinasiya nina Sumakwel at Datu Puti ang palihim na pag-alis nilang sampung datu sa Borneo. Hindi nila magagapi si Makatunao. Maraming dugo ang dadanak at marami ang mamamatay. Ayaw ni Datu Puti na mangyari ang ganoon. Iiwan nila ang kalupitan ni Sultan Makatunao at hahanap sila ng bagong lupain na maaaring pamuhayan nila nang malaya at maunlad. Sila’y mararangal na datu na mapagmahal sa kalayaan. Nagpulong nang palihim ang sampung datu. Sila’y tatakas sa Borneo. Palihim silang naghanda ng sampung malalaking bangka, na ang tawag ay biniday o barangay. Naghanda sila ng maraming pagkain nakakailanganin nila sa malayong paglalakbay. Hindi lamang pagkain ang kanilang dadalhin kundi pati ang mga buto at binhi ng halamang kanilang itatanim sa daratnan nilang lupain. Madalas ang pag-uusap ni Sumakwel at ni Datu Puti. Batid ni Sumakwel ang malaking pananagutan niya sa gagawin nilang paghanap ng bagong lupain. Silang dalawa ni Datu Puti ang itinuturing na puno, ang mga datung hahanap ng malayang lupain. 1 Sa ginawang pagdedesisyon ng datu na lumisan sa kanyang nasasakupan. Ipinahihiwatig nito na_________. * a. nais niyang maging malaya ang kanyang pangkat b. nais niyang maging maunlad ang kanilang pangkat c. pagkakaroon ng pagkakaisa sa kabilang pangkat d. maipagtanggol ang kanilang pangkat sa kalayaan 2. Si Datung Sumakwel ay isang pinunong ___________. a. Matapang, palabiro at matalino b. Masayahin, matapang at Punong Ministro c. Mabait, magalang at matalino d. Mabait, matapang at matalino 3. Masasabing marangal ang mga datu sa epiko kung _________________. a. ayaw nilang pumatay at may mapahamak kung sakaling lalabanan nila ang Sultan b. isinuko nila ang kanilang dangal sa Sultan na si Makatunao c. umalis sila kasama ang kanilang mga katulong d. marami silang pagkaing dinala para sa gagawaing paglalakbay 4. Ang kulturang Pilipino na nangibabaw sa epikong Maragtas ay _________. a. pagiging maginoo b. pagiging matapat na pinuno c. mainit na pagtanggap sa mga bisita d. pagmamahal at pagpapahalaga sa pamilya 5. Bilang pagpapakita ng kasiyahan sa mga kababayan niya ito ay ginagawa sa paraang __________. a. paghahandog ng mga pagkain b. pagpapakita ng kanilang katutubong sayaw c. pagbibigay ng lugar d. pag-aalay sa mga anito 6. Ang katangiang taglay ng Epikong binasa ay_______________. a. ang tauhan ay nagtataglay ng supernatural na kapangyarihan b. nagpapakita ng kabayanihan ang tauhan c. may kagilagilalas na pangyayari d. mahabang babasahin 7. Masasabing isang mahusay na pinuno gaya ni Sumakwel kung ________________. a. iniisip niya ang kapakanan ng kanyang mga kababayan b. nakipag-usap nang mahinahon sa kanyang kalaban c. madali niyang natalo ang kaaway d. pagrespeto sa kanyang mga nasasakupan 8. Ang pagiging pinuno ay wala sa posisyon kundi kung paano pahalagahan ang kanyang pinamumunuan. Ano ibig sabihin nito? a. Maging tapat sa kanyang panunungkulan b. Maging mapagmahal sa nasasakupan c. Maging isang modelo sa kanyang nasasakupan d. Maging pantay sa pagtingin sa lahat nasasakupan