Panuto: Basahin at unawain mong mabuti ang mga sitwasyon sa ibaba. Isulat mo
sa patlang ang P kung ito ay nagpapahayag ng pagdamay at pagkakawanggawa sa
nangangailangan at HP naman kung hindi.
Gawain 1
_______ 1. Nag-organisa si Joshua ng fund-raising project at ang malilikom ay
ibibigay na tulong sa mga frontliners sa kanilang barangay.
_______ 2. Nasunugan ang kapitbahay nina Candy at Clyde kaya’t kaagad silang
nakipag-ugnayan sa kanilang kamag-anak na nagtatrabaho sa ibang
bansa upang humingi ng tulong pinansiyal.
_______ 3. Umaasa lang si Bianca sa ayudang ibibigay ng pamahalaan sapagkat
nawalan ng trabaho ang kaniyang mga magulang.
_______ 4. Nasalanta ng bagyo ang karatig pook nina Anna at Emma. Nangalap sila
ng tulong sa mga kakilala nila upang maipamahagi sa mga naging
biktima ng kalamidad.
_______ 5. Ipinauubaya ni Denmark sa kawani ng gobyerno ang pagtulong sa mga
taong nangangailangan dahil siya ay bata pa.