Basahin at unawain ang pahayag sa ilalim. Tukuyin kung kaninong kabihasnan kaugnay ang pangungusap. Isulat ang salitang Mesoamerika/Timog Amerika, Africa, o Mga Pulo sa Pacific sa patlang sa simula ng bawat bilang.
1. Umunlad ang mga imperyo sa lugar na ito dahil sa pakikipagkalakalan ng asin, ginto, at iba pang produkto sa bawat kaharian at sa mga karatig na lugar sa disyerto ng Sahara.
2. Matagumpay silang nakabuo ng kabihasnan sa kabila ng hamon ng kapaligiran dahil ang kanilang mga lungsod ay nabuo sa gitna ng lawa o kaya ay sa tuktok ng kabundukang Andes.
3. Tunay na magkakaugnay ang kultura at paraan ng pamumuhay ng kabihasnang nabuo nila kahit na kalat-kalat ang pamayanan at nakalatag sa karagatan.
4. Ang mga piramideng itinayo nila gaya ng Pyramid of Kukulkan sa gitna ng kanilang lungsod ay sinasabing sentro rin ng kanilang sinaunang pananampalataya.
5. Naimpluwensyahan ng pananampalatayang Islam ang mga kaharian sa lugar na ito bunsod na rin ng kanilang malapit na ugnayang pangkalakalan at pangkarunungan sa mga Asyano.
6. Mababakas ang pagpapahalaga nila sa biyaya ng kalikasan sa kanilang paniniwala na may "lakas” ang bawat bagay na sentral na ideya ng Animismo at Mana.
7. Ayon sa pag-aaral tungkol sa Migrasyong Austronesian, may pagkakapareho ang kultura ng kabihasnang ito sa kultura ng mga tao sa Timog-Silangang Asya gaya ng Pilipinas.
8. Mayaman ang ambag ng kabihasnang ito sa iba't ibang larangan patunay ang kanilang iniwang mga artifacts gaya ng glyphs na isang sinaunang sistema ng pagsulat, at quipu na kakaibang paraan nila ng pagbilang at pagrekord.
9. Ang Sankore mosque sa Timbuktu na bagamat simple at gawa sa pinatigas na putik o mudclay ay patunay ng kaalaman sa arkitektura ng kabihasnan sa lugar na ito.
10. Makikita sa isang animation movie na "Moana" ang kultura ng kabihasnang ito dahil naipapakita ang karaniwang hanapbuhay nila na pangingisda sa malawak na karagatan, gayundin ang kanilang kasuotan, pananampalataya at sining.