Makakuha ng mga solusyon sa iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang mabilis at tumpak na Q&A platform. Tuklasin ang eksaktong mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na hanay ng mga eksperto sa aming madaling gamitin na Q&A platform. Nagbibigay ang aming platform ng seamless na karanasan para sa paghahanap ng mapagkakatiwalaang sagot mula sa isang malawak na network ng mga propesyonal.

Sumulat Ng sanaysay tungkol sa inyong karanasan noong nagdaang Pasko at Bagong Taon gamit Ang Antas Ng wika na Lalawiganin, Kolokyal at Balbal
(brainliest ko makasagot, nonsense will be reported directly)​

Sagot :

Answer:

Ang Aking Pasko at Bagong Taon

Sa pagsapit ng buwan ng Disyembre ang aming pamilya ay nagsisimula ng magsabit ng parol, magkabit ng christmas light at magbuo ng Christmas tree.At sa Disyembre 16 ang simula ng Simbang Gabi,sa aking pagsisimbang gabi kasama na ang pagbili ng bibingka at puto bumbong pagkatapos ng misa.Disyembre 23 umuwi ako ng Bulacan para doon magdiwang ng Pasko at Bagong Taon. Kinabukasan sinamahan ko ang aking nanay sa pamimili sa bayan..Kitang kita ang maraming taong nagkakagulo sa pamimili para sa kani-kanilang ihahanda para sa Noche Buena doon mo makikita ang isang paghahanda ng mga Pilipino sa Pasko na sinasabing “Araw ng Pagsilang ni Hesukristo”. Sa Noche Buena di namin nakasanayan ang paggising sa alas dose sa kinaumagahan na lang namin kinakain ang aming handa pero bago kami kumain nakasanayan na namin ang pagmamano sa mga matatanda bilang tanda ng paghingi ng aguinaldo ay este po pala paggalang at pagmamahal.Sinasabi nga nila ang Pasko ay para sa mga bata kaya sa umagang iyon sa aming barangay makikita mo na ang mga batang nakasuot ng kani-kanilang pamasko na naglilibot sa bahay ng kanilang mga ninong at ninang.Natapos na ang Pasko at susunod na okasyon ay Bagong Taon na isa rin sa talagang pinaghahandaan ng mga Pilipino.

Explanation:

Sa Bagong Taon naman sinamahan ko ulit ang aking nanay sa pamimili at kung maraming namili noong pasko mas doble ngayon para sa bagong taon.Makikita ang mga bilog na prutas na siyang pangunahing bilihin dahil isa ito sa handang nakamulatan na nating mga Pilipino para sa pagsalubong sa bagong taon.May nakausap nga akong isang babaeng may edad na habang hinihintay ko ang aking nanay dati daw labindalawang bilog na prutas talaga ang kailangan dahil may labindalawang buwan tayo sa isang taon at ang bawat isang bilog na prutas ay katumbas ay isang buwan.Pagkauwi namin sinimulan na naming ang paghahanda sa mga pagkain, tulong-tulong para mas mabilis.Ang nanay ko ang nagluto at ako naman ang naggayak sa mesa.At sa pagpatak ng alas dose kaming magkakamag-anak ay nagsama-sama habang sabay-sabay na nagkacountdown at kaming maliliit na di pa rin lumalaki ay walang tigil sa pagtalon at syempre di mawawala ang putukan ng paputok at ang ingay ng torotot.Matapos ang alas dose ay kainan na at dahil sa aming pamilya ay isang compound andyan ang palitan ng handa.

Masasabi kong masaya ang aking pasko at bagong taon dahil nakasama ko ang aking pamilya at sa panahong iyon naparamdam ko sa kanila ang pagmamahal ko sa kanila.

Pinahahalagahan namin ang iyong oras. Mangyaring bumalik muli para sa higit pang maaasahang mga sagot sa anumang mga tanong na mayroon ka. Salamat sa iyong pagbisita. Kami ay nakatuon sa pagtulong sa iyong makahanap ng impormasyon na kailangan mo, anumang oras na kailangan mo ito. Bisitahin muli ang Imhr.ca para sa pinakabagong sagot at impormasyon mula sa mga eksperto.