1. Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng kahalagahan sa paggawa ng abonong organiko? A. Napabubuti ang hilatsa ng lupa gamit ang abonong organiko. B. Napalalaki nang malusog ang mga pananim at hindi na kailangang bumili ng abonong komersiyal. C. Napagaganda ang kapasidad ng lupa sa paghawak ng tubig. D. Lahat ng nabanggit. 2. Kung walang bakanteng lupa o espasyo sa bakuran ng bahay, alin sa mga sumusunod ang puwede mong gamitin bilang compost o isang lalagyan ng mga tuyong dahon, balat ng prutas, gulay at mga tirang pagkain? A. Lumang kariton. B. Pinagpatong-patong na mga lumang gulong ng sasakyan. C. Kahong gawa sa karton. D. Maliit na balde. Delli 3. Alin sa mga sumusunod na mga hakbang sa paggawa ng abonong organiko ang dapat unang gawin? A. Ilagay ang mga natuyong dahon, nabulok na prutas, gulay, pagkain at iba pang nabubulok na bagay. B. Araw-araw itong diligan. Lagyan ito ng kahit anumang pantakip. C. Gumawa ng hukay na may isang metro ang lalim. D. llagay o ilatag ang mga nabubulok na bagay hanggang umabot ng 12 pulgada o 30 sentemetro ang taas. 4. Ang mga sumusunod ay katangian ng lupang taglay ang abonong organiko maliban sa isa? Alin dito? A. Maganda ang texture at bungkal (tilt) B. Malambot C. Hindi mabilis matuy D. Matigas 5. Gaano katagal bago magamit bilang pataba ang mga nabubulok na basura? A. Dalawang araw B.Dalawang linggo C. Dalawang oras D. Dalawang buwan 6. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa abonong organiko? A. Ang abonong organiko ay mula sa pinaghalong urea at sabon. B. Ang abonong organiko ay mula sa pinaghalong asin, asukal at gatas. C. Ang abonong organiko ay mula sa pinaghalong nabubulok na dahon, tirang pagkain, balat ng prutas, gulay at dumi ng hayop. D. Ang abonong organiko ay mula sa pinaghalong karne ng baboy at gulay 7. Ang mga sumusunod ay mga dahilan kung bakit kailangang dagdagan ng abonong organiko ang lupang taniman, maliban sa isa. Alin dito? A. Upang bigyan ng pagkain at sustansiya ang mga halaman B. Upang lumaking malusog at mamunga ng husto ang mga gulay C. Upang mapalitan ang mga nawawalang sustansiya ng lupa. D. Upang dumami ang mga insekto sa lupa.